ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, tatakbo nga bang Vice President sa 2016?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matagal pa ang presidential election sa 2016 pero ngayon pa lang ay gusto nang malaman ni Lingayen-Dagupan Emeritus Archbishop Oscar Cruz kung may planong tumakbong bise presidente sa nabanggit na halalan ang TV host-actress na si Kris Aquino.   Ayon kay Cruz, lalong lumalakas ang mga nakukuha niyang impormasyon tungkol sa posibilidad na pasukin ng bunsong kapatid ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang pulitika sa 2016.   “Formerly it was only in whispers now it has become more commonly said and heard that the youngest sister of the president of the republic will also run as vice-president of the republic come 2016,” pahayag ng arsobispo sa panayam ng mga mamamahayag.   Kung hindi umano totoo, dapat ihayag na ito ngayon pa lang ng kampo ni Kris para matigil na ang mga espekulasyon, ayon kay Cruz. Pero kung patuloy na mananahimik ang kampo ng kontrobersiyal na aktes, maaaring isipin na may pahintulot na palutangin ang pangalan ni Kris.   Iginiit ni Cruz na mapagkakatiwalaang tao mula sa administrasyon ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa posibleng pagtakbong bise presidente ng aktres.   Idinagdag niya na tatlong buwan na ang nakalilipas nang una niyang narinig ang paglutang ng pangalan ni Kris na posibleng kumandidato sa 2016.   Nilinaw naman ni Cruz na wala siyang nakikitang mali sakaling tumakbo si Kris at kakaunti lang naman umano ang hinihinging rekisitos para maging opisyal ng bansa.   “I'm not saying she's not capable. Sabi ko nga if she's going to run let her run because it takes so little to qualify for public office from the local to the national level,” dagdag pa ng retiradong arsobispo.   Bilang artista, aminado si Cruz na malaki ang tiyansa ni Kris na manalo sa halalan tulad ni Lito Lapid na nanalong senador.   Naalala rin ni Cruz ang naging pahayag umano ni Kris sa kanyang kapatid na si Noynoy nang pumanaw ang kanilang ina na si dating Pangulong Cory Aquino; “Noy, tayo na lang dalawa natitira. Paano ito tayo na lang dalawa ang natitira.”    “So, when I heard this and I remember that moment, mukhang may laman,” dagdag pa ng arsobispo. - PF/FRJ, GMA News

Tags: krisaquino,