ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Napabalitang karelasyon ni Cesar Montano na si Krista Miller, nakikipagpaseksihan ba kay Sunshine Cruz?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos magbalik-cover girl sa isang men's magazine si Sunshine Cruz, nag-pose din ng sexy sa isang babasahin ang starlet na si Krista Miller na nauugnay kay Cesar Montano. Sa ulat ng 'Star Bites' sa Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing nagpakitang gilis sa sexy pictorial si Krista suot ang iba't ibang lingerie. Pero paliwanag ng baguhang aktres, hindi siya nakikipagsabayan o nakikipagkompitensiya sa paseksihan kay Sunshine na misis ni Cesar. Katunayan, gusto nga raw niyang makita at makausap ang aktes. Mariin din niyang pinabulaan ang mga espekulasyon na mayroon silang romantikong ugnayan ni Cesar na kasama niya sa isang pelikula. "Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama...nagkataon lang na kapapasok ko [lang] lang [sa showbiz] binato agad ako ng malaking bato," pahayag ni Krista. Sa mga naunang ulat, sinabing ang pagkakaugnay ni Krista kay Cesar ang dahilan kaya umalis ng kanilang bahay si Sunshine kasama ang kanilang mga anak. - FRJimenez, GMA News