Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Jennylyn Mercado brawls with Lovi Poe in 'The Bride and The Lover' scene

April 15, 2013 11:40am

Sa May 1 na ang premiere ng “The Bride and the Lover,” ang bagong pelikula ng Regal Films na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe.
 
Dahil dito ay nagkaroon ng maliit na presscon ang dalawang Kapuso actresses noong Sabado, April 13, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City.
 
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jennylyn ay nabanggit nitong nahirapan siya sa pagsu-shoot ng pelikula.
 
May mga eksena raw kasi na intense ang kanilang pag-arte, lalo na't si Joel Lamangan ang direktor.
 
May isang eksena pa nga raw na nagkasakitan silang dalawa ni Lovi.
 
Four-hour fight scene
 
Dito raw ay totoo ang mga suntok at sampal na ibinigay nila sa isa't isa.
 
“'Yung wedding scene po na 'yun, nag-start kaming mag-shoot ng 10:00 AM, natapos kami ng 6:30 PM. One scene. Sobrang haba po... parang 11, 12 pages.
 
“Half ng eksena, parang fight scene lang namin ni Lovi. So, four hours yung talagang sampalan kami ni Lovi... gulung-gulong,” kuwento ni Jennylyn.
 
Ayon pa sa kanya, gusto raw kasi ng direktor na totohanin ang away, kaya't ginawa na nila para matapos lang.
 
“Oo, kasi gusto na naming matapos, dahil ang haba-haba na niya, talagang nagsuntukan na kami, nagsampalan na kami.
 
“The next day namin na-realize na masakit 'yung katawan namin. Hindi ko rin namalayan na may sugat na ako sa likod. Gusto ni direk talagang totoo,” pahayag niya.
 
Pagpapatuloy ni Jennylyn, nahirapan daw silang gawin ang eksena dahil wala naman siyang galit kay Lovi. Sa katunayan pa nga ay nagkumustuhan agad sila matapos ang eksena.
 
Saad niya, “Nagtatawanan kami, as in, 'okay ka lang?' Kasi hindi ko naman sinadya na masipa talaga.
 
“E, sabi ni direk, sipain ko raw sa tiyan. E, kesa mag-take two... e, sabi mag-take two... e, sabi ni direk, dapat totoo raw. Kaya tinotoo na namin.
 
“Sabi namin, gawin na namin 'to. 'Pag hindi kami sumunod sa gusto ni direk, hindi kami matatapos.
 
“Might as well, gawin na namin yung totoo, gawin na namin 'yung gusto nila, para tapos... masaya ang lahat. Pagkatapos naman nun, nag-sorry kami sa isa't isa, nagyakapan kami.”
 
Bukod pa riyan ay hindi rin naman confrontational si Jennylyn sa totoong buhay.
 
“Iiiyak ko na lang,” pag-amin niya.
 
On Luis
 
Bukod sa pelikula ay inusisa rin ng entertainment press ang relasyon ni Jennylyn sa boyfriend na si Luis Manzano.
 
May mga love scenes kasing ginawa si Jennylyn para sa pelikula, at sinabi niyang hindi naman niya ito kinailangang ipaliwanag sa kasintahan.
 
Aniya, “Okay lang, trabaho lang naman. Alam naman niya po 'yun.”
 
Kuwento pa ni Jennylyn, masaya naman ang kanyang lovelife. Ipinakita pa nga niya ang regalong necklace ni Luis noong Pasko. May naka-inscribe sa necklace na "Luis and Jen."
 
Nalalapit na ang kaarawan ni Luis, at inamin ni Jennylyn na wala pa siyang nabibiling regalo para dito.
 
“Oo nga, next week! Sa totoo lang, hindi pa po ako nakakabili kasi sobrang dami ko pong ginagawa,” saad niya.
 
Hindi nga rin daw nagagawa ni Jennylyn na paunlakan ang mga imbitasyon para makasama siya sa kampanya ni Vilma Santos, na ina ni Luis, bilang gobernadora ng Batangas.
 
“Wala pa po akong oras, e. Kahit po 'yung ibang imbitasyon na kampanya, hindi po ako makatanggap kasi yung Indio, madugo po, e,” huling pahayag ni Jennylyn. —Pep.ph




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus