ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Anthony Fernandez fears losing assignments


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa si Mark Anthony Fernandez sa dumalo sa nakaraang 50th anniversary celebration ni German “Kuya Germs” Moreno na ginanap sa Resorts World Manila noong April 24.
 
Ayon kay Mark, abala siya ngayon sa pagte-taping ng GMA-7 afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala. Kasama niya rito sina Camille Prats, Jennica Garcia, Jackie Rice, at Mona Louise.
 
Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m good. I feel blessed and honored na nabibigyan ako ng good projects ng GMA—well-thought, well-heartfelt projects and with good directors.
 
“Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila na pinagkakatiwalaan nila ako sa mga ganoong projects.
 
“With new actors coming in sa GMA, happy ako na nako-consider nila ako.
 
“Kaya what I’m doing is pinaghuhusayan ko ang trabaho.
 
"Kasi, honestly, mataas ang competition ngayon.
 
“Kung hindi ka competent, hindi ka nila papaboran… baka iba ang kunin nila.”
 
Inspiration
 
Ayaw na raw balikan ni Mark ang hibernation days niya sa showbiz dahil baka paggising niya raw isang araw ay wala nang dumating na offers sa kanya.
 
“I’ve learned my lessons well,” nangingiting pag-amin ng anak ni Alma Moreno at ng yumaong si Rudy Fernandez.
 
“That was the time na I needed someone to push me up—it was really bad.
 
“That time, I was pabandying-bandying lang… jeproks lang those times.
 
“But now, I’m more mature and working.
 
“The good thing is the GMA people put me back. Binigyan nila ako ng mga importanteng projects… so thankful for that.”
 
This time ay no turning back na para sa kanya lalo na’t inspirado siya dahil sa kanyang pamilya.
 
Sabi ni Mark, “I intend to spend my life sa showbiz industry… this is where my heart is.
 
“My family is good, my son is okay, he’s in grade six now.
 
“Makatapos lang siya ng high school, sige na… puwede na siya mag-showbiz.
 
“But then, sana ay tapusin niya ang college. It is something na hindi ko nagawa sa buhay ko.”
 
Showbiz child  
Pakiramdam ni Mark Anthony ay susunod sa yapak niya ang panganay na anak na lalaki.
 
“Parang nararamdaman ko na gusto niya ring mag-artista. He’s training sa club ng school nila.
 
“Kung anuman ang gusto niya sa buhay later on, bilang ama, nakahanda lang ako na suportahan siya.”
 
Dugtong pa niya, “Even my wife is very supportive of us.
 
“Wala sa kanya kung sakaling vey busy ako sa tapings, yung anak ko is showing signs na gustong mag-artista.
 
"Wala, she’s just happy for us.”
 
Si Mark ay may dalawang anak na lalaki sa asawa niyang si Melissa Garcia at isang anak na babae mula sa dati niyang girlfriend na sumakabilang-buhay na.
 
Half-brothers
 
Tinanong naman ng PEP sa kanya kung close ba siya sa stepbrothers niyang sina Ralph at Renz Fernandez, mga anak ni Rudy sa asawa nitong si Lorna Tolentino.
 
Sabi ni Mark, “Renz and Ralph are very, very close to me—as in super close."
 
Ano ang reaksiyon niya sa naging breakup nina Renz at Maxene Magalona?
 
“Yung sa kanila ni Maxene, I thought it was just a petty thing. And I hope na magkabalikan pa sila.
 
“Gustung-gusto ko si Maxene for him.
 
“And in fact, Francis [Magalona, ama ni Maxene] ay very close din sa ama ko.
 
"At para sa akin, e, bagay na bagay sila.”
 
Ngayon ay nali-link naman si Renz sa 18-year-old actress/host na si Coleen Garcia.
 
“Ganoon talaga, ganoon talaga!” natatawang reaksiyon ni Mark.
 
“Sana ay masanay siya sa intriga dahil ang intriga ay part talaga ng showbiz... may malicious na mga tao.
 
"Pero hopefully ay silang dalawa pa rin ni Maxene ang magkatuluyan.
 
“I really like Maxene for Renz kasi parang part na sila ng family namin at sa tingin ko ay bagay na bagay sila.”
 
After ng breakup ng dalawa, sa tingin ba niya ay naging malungkot din ang kanyang kapatid?
 
“Sa text niya sa akin, mukhang malungkot siya,” pagsisiwalat ng 34-year-old actor.
 
“Although hindi pa kami nagkikita, sa text niya ay mararamdaman mong malungkot siya.
 
“I don’t need to tell kung ano yung text niya, pero it’s something na nagpapakita ng totoong emotions niya sa paghihiwalay nila.”
 
'Be strong' 
 
Tulad ni Renz ay dumaan din noon si Mark sa matinding problema sa buhay pag-ibig, partikular na sa kanila noon ni Claudine Barretto.
 
Ano naman ang advice niya sa kapatid?
 
Ani Mark, “Pagdating kasi sa ganyan, wala naman kaming gaanong sinasabi.
 
“Pero ang sinabi ko lang, ‘Magpakalalaki ka.’
 
“Hindi ko masasagot ang mga problema niya, pero ang masasabi ko lang ay magpakalalaki siya.
 
“Hindi puwedeng daan-daanin sa lungkot, dapat harapin niya ito.”
 
Ayon pa kay Mark, “Ako, ang dami ko ring problema, the good thing is I’m on top of the problem.
 
“Sabi ko nga, ‘Anything that you think would kill you will make you stronger.’
 
“Ang importante ay i-acknowledge mo yung problem and harapin mo nang tama at matibay.”
 
Missing dad
 
Sa puntong ito ay tinanong namin si Mark kung nami-miss niya ang kanyang yumaong ama, at anong lessons ang nakuha niya noong nabubuhay pa ito.
 
“Lagi, lagi. Lahat ng mga sinabi niya noon sa akin, isinasabuhay ko ngayon,” sabi ni Mark.
 
“Gusto ko nga, I want to double it sa mga anak ko ngayon sa tamang paraan.
 
“Kaya nga sa mga anak ko, I handle them with a lot of caution and guidance… at 100 percent ako sa kanila as a father.
 
“Nandoon ako sa kanila—naka-focus ako sa kanila.”
 
Tulad ng lagi niyang sinasabi, nag-iisa ang kanyang ama pati na ang kanyang ina.
 
“As parents, they did their best naman.
 
“Kahit si Mama may ibang family na, hindi naman nawawala yung communication namin sa isa’t isa.
 
“Kahit may sarili na rin akong family, lagi siyang concerned sa amin.
 
“Si Papa naman, hindi ko nakakalimutan ang good examples na ipinakita niya sa aming mga anak niya.
 
“Alam ko before na naging problemado din siya because of me, pero hindi niya ipinakita iyon sa akin—he was supportive, sobra!
 
“Kaya kung ano yung ipinunla niya sa aking goodness, yun din ang ginagawa ko sa mga anak ko ngayon.”Pep.ph