ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lucy Gomez, nangunguna sa pagka-kongresista; Richard Gomez, mahigpit ang laban sa Ormoc


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang nangunguna sa bilangan ng mga boto sa lalawigan ng Leyte si re-electionist 4th District, Leyte Rep. Lucy Marie Torres–Gomez, naghahabol naman sa boto ang kanyang mister na si Richard Gomez na kandidatong alkalde ng Ormoc City.   Batay sa 58.79% ng Leyte Election Returns sa ganap na 1:32 p.m., nakatanggap na si Lucy ng 96,959 boto kontra sa 70,673 boto ng malayong pumapangalawa na si Eric Codilla.     Samantala, sa 82.2% ng Ormoc City, Leyte Election Returns, nangunguna naman sa labanan sa pagka-alkalde ng lungsod si Edward Codilla na may 32,963 boto, kontra sa 31,780 boto ni Richard.   Basahihin: SC unseats Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez Matatandaan na nitong nakaraang Marso, nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagdedeklara na hindi balido ang pagkapanalo ni Lucy bilang kongresista matapos siyang gawing kapalit sa kandidatura ni Richard noong 2010 elections.   Bago pa man ang 2010 election, nabasura ang kandidatura ni Richard bilang kongresista ng Leyte dahil sa usapin ng residency requirement kaya si Lucy ang ipinalit ng kanyang partido bilang kandidato.   Tingnan ang partial at unofficial na bilang sa Leyte: http://www.gmanetwork.com/news/eleksyon2013/results/leyte   Tingnan ang partial at unofficial na bilang sa Ormoc City: http://www.gmanetwork.com/news/eleksyon2013/results/leyte/ormoc_city --- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Tags: eleksyon2013