ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Vin Diesel, ini-enjoy ang pananatili sa bansa; sumakay na rin ng jeepney


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila ini-enjoy ang Hollywood actor na si Vin Diesel sa ilang araw na pananatili sa Manila. Nasa bansa ang aktor para sa red carpet premier ng bago niyang pelikulang Fast and Furious 6. Mula nang dumating sa bansa nitong Lunes si Vin, ilang larawan at video na ang kumalat sa mga social networking sites gaya ng Facebook habang namamasyal at tila gumagawa ng sariling niyang video ang aktor. Sa kanyang Facebook fan page, ginawa pa niyang cover photo ang larawan habang nakaupo siya sa loob ng isang pampasaherong jeepney. May mga larawan ding lumabas na makikitang namamasyal si Vin na nakasuot lang ng puting sando at short kasama ang tila body guard/cameraman. Nitong Martes ay lumabas din ang video ni Vin habang nakikipagkulitan sa ilang batang Pinoy at nagpapa-picture sa kaniyang mga fans sa Global City, Taguig. Sa huli, bumati pa ang Hollywood aktor sa kanyang mga Pinoy fans ng "Mabuhay!" Nasa bansa ngayon ang cast ng "Fast & Furious 6" para sa idaraos na red carpet premiere sa Miyerkules ng hapon sa SM Mall Of Asia. Bukod kay Vin, ang iba pang cast member ng "Fast & Furious 6" na nasa bansa ay sina Michelle Rodriguez at Luke Evans. -- FRJimenez, GMA News