Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Gabby Eigenmann visits grandparents Rosemarie Gil and Eddie Mesa in the States

May 15, 2013 10:35pm
Napagbigyan si Gabby Eigenmann ng GMA-7 na makapagbakasyon sa Amerika kahit kasisimula pa lamang ng kinabibilangan niyang primetime series na Mundo Mo’y Akin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. office. Dito ay naikuwento niyang matagal na ang huling naging bakasyon niya.

“Matagal na, so when I had the opportunity… sa wakas, natuloy rin.

“I was looking for a longer month, like one month sana.

“E, yun nga… but I was able to have a vacation for three weeks, okay na rin.

“I felt so blessed nga kasi when I was planning the vacation, I was doing Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Pero last year pa yun na pinaplano ko nga, na kung matatapos ang show by February or March, at least, bakasyon, summer, makakapagbakasyon kaming pamilya.

"Pero nagbukas ng bagong show [Mundo Mo'y Akin].

"Siyempre, happy naman ako to be included, pero na-pressure ako.

“Alam ninyo naman kapag bagong bukas ang show, all throughout, umpisa pa lang, ibibigay mo na ang lahat para pagandahin. 

“Pero dahil inisip ko rin yung bakasyon, naano ako… na-pressure. Kasi, ayoko namang umalis ng may iiwang obligasyon, di ba?

"But it’s really a much needed vacation.”
 
REUNION. Nag-post ng pictures si Gabby sa Internet kunsaan kasama niya ang kanyang paternal grandparents na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa, na sa Amerika na naka-base.

Kuwento ng Kapuso actor, “Actually, it’s been three or four years yata kaming hindi nagkita.

“Yun ang huling beses ko silang nakita. Tapos, nakita ko rin ang ilang relatives ko dun from Australia. Nagkataong nagbakasyon din sila.

“It was fun, kasi nga sabay-sabay na bumiyahe. Pati sina Tito Mike [Michael de Mesa], Geoff [Eigenmann], and even Carla [Abellana, Geoff's girlfriend] were there. 

“Akala nga ng iba, plinano naming magkita-kita doon. Nagkataon lang na nagkasabay-sabay at may naunang umalis.”

Kumusta ang mga lola at lolo niya? Proud ba ito sa kung anuman ang narating na niya?

Sagot ni Gabby, “Oo, oo naman. Pero hindi lang nila masyadong napapanood. Nagmi-Ministry kasi ang lolo ko.

“And since naging citizen na rin sila, so talagang palagi na sila doon sa States.

“So when they saw us, natuwa naman sila. Although, siyempre, malungkot din kasi dalawa na lang sila doon.

“They are also planning to have a vacation... to come back here.

"Inaasar ko nga ang lola ko. Sabi ko, ‘Ang natitira na lang na active ay sina Tita Glo [Gloria Romero], Tita Celia [Rodriguez], Tita Boots [Anson-Roa].’

“Sabi ko, ‘Why not come back?’

“Sabi naman niya, ‘Gusto pa ba nila ako? You know, I’ve been wanting that.’

“So sabi ko, ‘So, gusto mo pala talaga.’

"Sabi niya, ‘Would Perry [Lansigan, Gabby's manager] help me?’

“Sabi ko nga, ‘When I was doing Munting Heredera, they considered you.’

"Sabi niya, ‘Sayang, sayang naman.’”

Si Rosemarie Gil ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na kontrabida noong kanyang kapanahunan.

Dugtong pa ni Gabby, “Pero yung bakasyon na yun is a proud moment, nadala ko ang family ko doon.”
 
STAYING FIT. Kapansin-pansin naman na mas maganda ang katawan ni Gabby ngayon kahit na nagbakasyon siya sa Amerika.

Sabi niya tungkol dito, “Oo nga! Sabi nga rin nila.

"Nagpustahan pa nga na tataba ako.

"Noong nandoon ako, honestly, I gained eight pounds.

“Pero sabi ko, ‘Teka lang, ayoko namang umuwi na napakalaki ko!’ So, I shed a few more weight in Las Vegas.

“Pagdating ng Los Angeles, medyo naging conscious na ako, tumatakbo ako doon.

“So, luckily, when I got back, dapat magpo-proceed na ako sa taping, I was given a few days off to get rid of jet lag.

“Nilabanan ko, nag-gym ako, nag-boxing ako.”

Ano ang naging motivation niya na magpapayat?

“Wala lang, just to prove everybody wrong na hindi porke’t nag-U.S. ka e, tataba ka na.

“But at the same time, I consider it also na itong project na ito [sa Mundo Mo'y Akin], tatay ang role, medyo may edad na ang anak.

“Kasi, feeling ko, every project naman that I do, I always consider it as an audition for the next project.

“Kumbaga, whether my performance is noticed or whether my look is noticed, it matters sa project kung meron man susunod.

“So, as much as possible, I lose weight in this certain project.

“Kung may pumasok man na bago, at least, makita nila na motivated ako to do another project.”
 
ADJUSTMENTS. Sa Mundo Mo'y Akin ay gumaganap si Gabby bilang mister ni Angelika dela Cruz.

Kumusta naman ang pagtatrabaho niya sa teleserye?

“Okay naman, okay naman.

“Kasi yung week one to week three, medyo ngarag. Kailangan naming tapusin, kasi nga aalis ako.

“Pagdating ko, it was a rough time for me, kasi nga nag-a-adjust pa ako sa schedule.

“At yung istorya naman, they had to edit out my scene prior sa pagbalik ko.

“Meron akong isang linggo na wala ako sa istorya…

“Hangga’t unti-unti nilang ini-incorporate ang nakabalik ako sa latter part ng week four hanggang week five.”
 
GRAY CHARACTER. Masaya ba siya sa karakter na ginagampanan niya ngayon?

“No, I’m happy,” sabi ni Gabby.

“Ito namang proyektong ginagawa ko, ang sa akin lang, siyempre every character that was given, you always try to excel over the character that was given to you before.

“Siyempre, kumbaga, mas gusto mo ng challenge, mas gusto mong higitan o pantayan man lang.

“So, with regards to the show, unti-unti namang naaabot yung gusto mong marating.”

Sanay ang tao na napapanood siya sa mga teleserye na siya ang kontrabida at masama talaga. Dito sa Mundo Mo’y Akin, ano talaga siya?

“Ang nakakaano sa soap na ito, everyone is left hanging, hindi alam kung sino talaga. 

“Ako, gray—gray pa rin. I think, eventually si Lauren [Young]. Pero may pinanggalingan.”

Okay ba kay Gabby ang gray na karakter bilang sanay siya sa mga dark characters?

“Okay lang,” nakangiting sabi niya.

“Ang importante kasi diyan, it’s a game of patience—if you wait for something big to happen, it would come naman.

“Ako, I’ll just go with the flow. Kung gray man ako all throughout, sige.

“Pero eventually, magiging bad ako which is hindi rin naman nakakapagtaka na puwede rin mangyari yun, hintay lang.

“We’ll see where it goes.”
 
JACLYN & ANDI. Kasama ni Gabby sa Mundo Mo'y Akin ang stepmom niyang si Jaclyn Jose, na ina naman ng half-sister ng aktor na si Andi Eigenmann.

Kumusta naman sila ni Jaclyn?

“Ay, para lang kaming—hindi naman naglalaro, pero nag-e-enjoy naman kami.

“We talk about Andi… we talk about family, mga tsismis… ganoon.

“Masaya kasi it’s been a while since I last worked with Tita Jane.”

Ano naman ang naramdaman niya bilang kuya ni Andi na naging lantaran sa mga isyung naglabasan?

Matatandaang hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon ni Andi kay Jake Ejercito dahil tutol diumano ang mga magulang ni Jake sa young actress.

Sabi ni Gabby, “Natural lang yun.

“Pero at the end of the day, hindi naman ikaw ang makikisama, kapatid mo naman… buhay niya naman ‘yan.”

Nasaktan ba si Gabby na tila ayaw ng mga Ejercito sa kapatid niya?

Tugon niya, “Hindi naman mawawala yun, hindi naman mawawala yun.

“But like I’ve said, it won’t really affect me.

"Yes, we get hurt. I get hurt. But, hanggang doon lang yun—no reaction needed. 

“Nothing to do about, you know, may gagawin ba? Kailangan bang mag-react?

“Hindi na… okay lang. Natural lang yun, e, bilang kuya.

“Pero ako, I’ll do anything.

"Kapag may problema ka, kausapin mo ako—shoulder to cry on. Ganoon  lang.” --
Rose Garcia, PEP
Go to comments