Sen. Manny Villar, bilyunaryo na uli; Escudero, 'pinakamahirap' na senador
Makalipas ang apat na taon, naibalik ni outgoing Senator Manny Villar ang kanyang kayamanan sa bilyong piso, batay sa isinumite niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2012. Idineklara ng real estate businessman na si Villar sa kanyang 2012 SALN ang net worth na P1,452,615,408, at walang pagkakautang. Tanging si Villar sa mga senador ang umabot ang net worth na lampas sa isang bilyong piso. Taong 2008 nang ideklara ni Villar sa kanyang SALN na umabot ang kayamanan nila ng kanyang misis na si senator-elect Cynthia Villar sa P1.05 bilyon. Ngunit sa sumunod na taon (2009), nabawasan ang kanilang net worth sa P947.9 milyon. Lalo pa itong nalagasan noong 2010 sa halagang P725.2 milyon nang tumakbo siyang pangulo pero nabigo. Nitong 2011, nakabawi na ang senador nang magtala ng P854.2 milyon sa kanyang 2011 SALN, at muling nadagdagan ng tinatayang P600 milyon nitong 2012. "Poorest" senator Samantala, ang itinuturing "pinakamahirap" na senador na may pinakamaliit na laman sa SALN ay si re-elected Sen. Francis "Chiz" Escudero, na nagdeklara ng net worth na P4,017,082. Ang naturang halaga ay mas mababa ng P6 milyon mula P9,867,082 net worth niya noong 2011. Nangyari ang pagbaba ng kanyang net worth matapos ang annulment ng kasal nila ng asawang na si Christine Elizabeth Flores. Batay sa kanyang SALN noong 2011, mayroong dalawang condominium units si Escudero sa New Manila, Quezon City, isang 1995 Range Rover Classic, isang 1969 BMW 2002, at isang 1996 Toyota Land Cruiser. Pero sa 2012 SALN niya, nawala sa kanyang listahan ang dalawang condo units. Samantala, ang finances niya ay bumaba sa P300,000 at ang alahas at ibang ari-arian ay may halagang P450,000. Narito ang listahan ng SALN ng mga senador: Sen. Manuel Villar – P1,452,615,408 Assets: P1,452,615,408 Liabilities: 0 Sen. Ralph Recto – P468,467,036.10 Assets: P530,573,252.53 Liabilities: P62,106,216.43 Sen. Ferdinand Marcos Jr. – P437,238,356.18 Assets: P471,345,128.35 Liabilities: P34,106,772.17 Sen. Jinggoy Estrada – P193,580,509.92 Assets: P215,236,601.96 Liabilities: P21,656,092 Sen. Ramon Bong Revilla Jr. – P169,141,387.21 Assets: P251,778,835.81 Liabilities: P82,637,448.60 Sen. Edgardo Angara – P159,092,565.24 Assets: P229,017,646.67 Liabilities: P69,925,081.43 Senate President Juan Ponce Enrile – P118,626,539 Assets: P118,625,539 Liabilities: 0 Sen. Sergio Osmena III – P111,779,000 Assets: P115,879,000 Liabilities: P4,100,000 Sen. Miriam Defensor-Santiago – P77,694,821Assets: P147,694,821 Liabilities: P70,000,000 Sen. Pia Cayetano – P72,958,612.33 Assets: P79,799,253.44 Liabilities: P6,840,641.11 Sen. Vicente Sotto III – P62,220,571.60 Assets: P154,035,072.52 Liabilities: P91,814,500.92 Sen. Franklin Drilon – P51,754,262.78 Assets: P85,816,972 Liabilities: P34,062,609 Sen. Loren Legarda – P45,956,803 Assets: P67,481,803 Liabilities: P21,525,000 Sen. Teofisto Guingona III – P43,496,472.16 Assets: P111,701,594.30 Liabilities: P68,205,122.14 Sen. Panfilo Lacson – P28,856647.46 Assets: P41,458,617.46 Liabilities: P12,601,970 Sen. Lito Lapid – P26,000,000 Assets: P99,000,000 Liabilities: 73,000,000 Sen. Alan Peter Cayetano – P23,308,333 Assets: P25,840,367 Liabilities: P2,532,034 Sen. Gregorio Honasan II – P21,087,050 Assets: P21,087,050 Liabilities: 0 Sen. Aquilino Pimentel III – P16,989,225 Assets: P16,989,225 Liabilities: 0 Sen. Francis Pangilinan – P14,375,209.01 Assets: P15,537,084 Liabilities: P1,161,874.99 Sen. Joker Arroyo – P11,050,000 Assets: P11,050,000 Liabilities: 0 Sen. Antonio Trillanes IV – P4,432,000 Assets: P11,012,000 Liabilities: P6,580,000 Sen. Francis Escudero – P4,017,082 Assets: P4,017,082.09 Liabilities: 0 ---JGV/FRJ, GMA News