GMA News Online
NewsTV
»
Brigada

Brigada

Mga batang manggagawa ng Navotas at Payatas sa 'Brigada'

May 31, 2013 3:59pm

Brigada
Masdan mo ang mga bata

Airing Date: June 3, 2013



Ayon mismo sa National Statistics Office, lima't kalahating milyong batang Pilipino ang nasasadlak ngayon sa child labor. Isang seryosong usapin pero bakit tila tinatanggap na lang nating makita na may mga batang nagbabanat ng buto, maitawid lang ang kanilang bawat araw.

Katulad na lang sa Navotas Fishport kung saan nakilala ni Micaela Papa ang mga batang krudo. Sa mura nilang mga edad, lumulusong sila sa maitim na dagat. Sisipsipin ng dala nilang foam ang mga tumagas ditong krudo, pipitpitin sa balde saka ipagbebenta. Hindi alintana ang peligrong pwedeng idulot nito sa kanilang kalusugan.

Samantala sa tambakan naman ng basura sa Payatas Quezon City, saksi si Steve Dailisan sa mga batang binatak ang katawan sa pamamasura. Ngunit hindi ito ang inaasahan nilang mag-aahon sa kanila. Sa halip, ang hilig nila sa paglalaro ng football na di malayong magbigay ng karangalan sa ating bansa.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, tunghayan natin ang espesyal na pagtatanghal ng BRIGADA na magmumulat sa atin sa kalagayan ng mga itinuturing nating pag-asa ng bayan at kung paanong nakaatang na sa kanilang mga balikat kung paano haharapin at pagtatagumpayan ang kahirapan.
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Brigada on Facebook
Brigada on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement