ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Soul Princess and YouTube Sensation


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SOUL PRINCESS AND YOUTUBE SENSATION
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: June 4, 2013




Isa sa pinakamahuhusay na singer ng kanyang henerasyon at kinikilala ang talento hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa international competitions - walang iba kundi ang Soul Princess, Jonalyn Viray!
 
Sa kanyang unang pagharap kay Ogan Arnold Clavio sa Tonight with Arnold Clavio, ikinuwento ni Jonalyn ang kanyang saloobin tungkol sa pagtatapos ng Party Pilipinas kung saan isa siya sa mga laging inaabangan na performer. Hindi raw nababahala ang homegrown Kapuso dahil may kapalit na raw ang nawalang programa at ito ay ang Sunday All Stars kung saan kasali pa rin siya.
 
Syempre, pinagusapan din ang bagong album ni Jonalyn! Kaya abangan ang kanyang special performance!

 

Ipakikilala din sa episode na ito ang ang Youtube Sensation na si Marvin “Ghil” Mendoza, ang lalaking kaboses Regine Velasquez!

Sa inihandang showdown ng biritan para sa dalawa, sino kaya ang magwawagi?
 
Isang gabing puno ng musika, tawanan at kwetuhan ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio, ngayong Martes, 10:30pm sa GMA News TV!

Para naman sa ilang behind the scenes pictures ng TWAC, i-like ang Facebook page:
 http://www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
 
I-follow din ang official Twitter at Instagram accounts ng TWAC:
http://www.twitter.com/TWACofficial at http://instagram.com/TWACofficial