ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Retrieval operation sa labi ng mga biktima sa Two Serendra, nakuhanan ng 'Alisto'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Airing Date: June 6, 2013

Pasado alas otso ng gabi nitong Biyernes, ginulat ng isang malakas na pagsabog ang Two Serendra sa Global City, Taguig. Nagmula sa ika-limang palapag ng condominium unit ang pagsabog. Bumagsak ang isang bahagi ng pader sa kalye at sa kasamaang palad ay tumama ito sa dumaraang sasakyan. Isang delivery van ang binagsakan ng konkretong pader at tatlong sakay nito ang agad na binawian ng buhay.

Pahirapan ang pagkuha sa mga labi ng biktima. Sa isang eksklusibong video ng Alisto, nakunan ang maaksyong retrieval operation ng mga rescuer.
Sa Top 10 CCTV Videos, susuriin ang sampung pinakamalalang aksidenteng naganap sa mga kalye ng Pasig! Ilan lang sa mga ito ang video ng lalaking nagbibisikleta na sumalpok sa taxi, truck na nawalan ng preno at inararo ang pedestrian at isang motorsiklong sapul sa rumaragasang jeep! Sa pamamagitan rin ng mga video na ito, ibabahagi ng eksperto kung paano maaaring makaiiwas sa mga aksidente.

At ngayong opisyal nang nagbukas ang klase sa ilang paaralan, tunghayan ang mga amateur video na pinag-usapan online tungkol sa mga huli sa aktong bangayan, sabunutuan at suntukan sa mga eskwelahan. Paano nga ba magiging ligtas ang inyong anak sa ganitong uri ng karahasan?
Hindi ka biktima. Maging Alisto! Samahan si Igan Arnold Clavio ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

More Videos
Most Popular