Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Christian Bautista talks about his first Kapuso series With A Smile

June 15, 2013 6:23pm



Lead agad si Christian Bautista sa una niyang serye sa GMA-7, ang With A Smile. Isa ba ito sa mga kundisyon o requirements sa kontrata niya nung lumipat siya mula ABS-CBN?

“Requirement? One of the requirements, yeah! Kasi I’ve never been lead also, and I want to try it. So, iyon pa lang e ang laki na ng responsibilidad.

“Na, ‘Ayan, ha, sige bibigyan ka namin ng lead. Dapat, sana okey, ha?’

“May pressure sa akin personally din. Kasi sana talaga mag-work.”

Pang-umagang teleserye sila, katulad ng Be Careful With My Heart ng Dos. Makakatapat ba nila ito?

“Well, ang Be Careful With My Heart naman after, e. So…” sabay-tawa ni Christian.

Natuwa ba siya na hindi nila ito katapat?

“In a way, oo,” at muli siyang tumawa.

“Pero ang maganda is, nagkaroon nga ng market sa umaga and mas maganda pa is puwede palang magkaroon ng show na may values, na light, na walang patayan, walang murahan, walang ano, na magugustuhan pala ng tao.

“And wow, gusto ko yun! As wholesome nga, di ba?”

ROLE SWAPPING with MIKAEL. Wholesome nga ang image niya pero medyo komedyante rin si Christian sa With A Smile bilang si Aston na may-ari ng isang car wash business at mahal na mahal ang vintage VW Beetle car niya.

“May slight, slight comedy.”

Parang wala sa image niya ang pagiging komedyante?

“Akala ko kasi ako yung Dean [Mikael’s character in With A Smile]. Kasi akala ko i-stereotype ako na ganun, e. So, nung kami ni Mikael, ‘Nabasa mo yung script? Ano mas feel mo?’

“Sabi niya, ‘Mas feel ko si Aston, e. Ikaw?’ ‘Ako mas feel ko si Dean.’ ‘Okey, apir!’

“Nag-decide kami ng sarili namin,” at muling natawa si Christian.

“Pero nung nag-audition kami, bumaligtad sa kamera. Mas bumagay sa akin si Aston, mas bumagay sa kanya si Dean.

“Natuwa nga ako e. Parang, ‘Wow!’

“’Tapos after ng audition parang, ‘Kahit ano pala, okey, ‘no? Kahit ano pala, okey.’”

DOING GAY ROLE. Kung kahit ano ay okey. Ibig bang sabihin nito papayag din si Christian to portray the role of a gay man na karelasyon ng another gay man?

Katulad ng ginagampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Paano kung iyon ang project na ibinigay sa kanya ng GMA?

“Hindi ko yata kaya. Sa ngayon, hindi ko kaya.”

Alin ang aspetong hindi niya kaya?

“Ang pinakaaspeto dun is yung…ang hindi ko kaya yung lalim, e. Ang lalim nun, ang lalim.

“Sa ngayon, para ngang, baguhan pa ako na aktor as a lead role.”

Pero bago rin si Tom sa GMA.

“Si Tom kasi, dati ko pang… Siyempre nakakasama ko sa ABS dati, mas marami na siyang nagawa [kaysa] sa akin, mas confident na siya sa acting niya.

“Ako, ano pa rin ako, parang, ‘Ano kaya, okey ba ito? Okey ba itong ginagawa ko sa acting ko?’

“Baguhan pa lang ako technically, e. Ang dami ko nang nagawa pero hindi pa ako naging fully lead again.”

So, ano ang aayawan niya—ang lalim ng acting o ang gay role?

“It’s not the gay role, yung lalim. Kasi ‘pag binigyan ako ng gay role, I’ll do it! I’ll do it.

“Pero, kaya ko ba? Kaya ko ba siya personally i-sustain?

“Porke’t primetime ba, gagawin ko? E, paano kung hindi ko magawa? E, sa akin din bagsak nun. Sa akin din ang sisi.”

Acting-wise, sa palagay ba ni Christian ay hindi pa ganap ang kakayahan niya?

“Acting-wise, ganun kalalim sa tingin ko, hindi ko pa nai-stretch yung sarili ko nang ganun, e. So, hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa alam talaga.”

Paano naman pagdating sa aspeto ng kissing scenes o intimate scenes sa kapwa niya artistang lalaki.

“Ako naman it’s about the story, e. What’s the story? If it’s part of the story, okay I’ll do it.

“Pero what’s the story, what’s the role?

“It’s not about, ‘Oh, it’s a gay role, hindi ko na gagawin.’ Hindi.

“Kasi ako halimbawa, I’ll do it. May resolution ba in the end? I’ll do it, okay. So depende.

“It’s a hard question, honestly.” - Rommel Gonzales, PEP.ph
Go to comments