ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Wish Ko Lang, muling maghahanap ng Good Samaritan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Panahon na naman ng tag-ulan at kapag medyo napalakas, trahedya ang dulot ng hagupit nito. Sa gitna ng delubyo, minsan kailangang iwanan ang tahanan para makaiwas sa disgrasya. Paano kung sa paglikas ay mahiwalay sa iyong pamilya at ang kalagayan pa ng anak ay nangangailangan ng agarang lunas?
Ang senaryong ito ang nagsilbing inspirasyon para gawin ang isa sa misyon ng Wish Ko Lang, ang makahanap ng Mabuting Samaritano. Makikiusap ang padre de pamilya sa mga makakasalubong upang ibigay ang gamot sa kanyang anak na nauna na sa evacuation center. Siya kasi ay nakasakay sa truck kung saan magliligtas at maghahakot pa ng mga residenteng nasalanta.
Habang sa Surigao, sa isla ng Dinagat, may isang pamilya raw na nakatira sa kuweba. Kung aakalain na sa mga libro ng kasaysayan na lang makatatagpo nito, sa modernong panahon, ganap pa rin daw ito at pinatunayan yan ni Mang Rogelio at ng kaniyang pamilya. Tatlong taon ng ganito ang kanilang sitwasyon. Dati raw silang namamasukan sa isang dayuhan at doon din sila nakatira ngunit ng mamatay na ang amo, nawala na rin sila ng matutuluyan. Dayo lang din daw sila sa isla kaya wala raw silang kamag-anak na maaaring matakbuhan.
May tutulong kaya na Good Samaritan sa nagsusumamong ama? At anong kapalaran kaya ang kakatok sa mag-anak ni Mang Rogelio na yungib ang nagsisilbi nilang kanlungan? Abangan sa Wish Ko Lang, kasama si Vicky Morales, Sabado, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular