ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHA: Superman Exposed!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

AHA!
 

SUPERMAN EXPOSED!
 

Airing date: June 23, 2013


 

Ngayong Linggo sa AHA! hihimayin ni Drew Arellano ang kwento ng isang taga-ibang planeta!  Sa edad na 75 years, fresh na fresh pa rin ang ultimate superhero na kilala ng buong mundo na si Superman. Balik-sinehan na nga ang ‘Man of Steel’, at mas kagila-gilalas ang makikilalang 21st century niyang katauhan.  Ano nga ba ang pinagmulan, kasaysayan at mga pakikipagsapalaran ni Superman mula comics hanggang pelikula?  Anu-ano ang mga pagbabagong dinaanan niya sa paglipas ng mga taon? Paano naman nangyari na si Superman raw ang tila Hesukristo sa hanay ng mga superhero?


Kikilalanin rin ang mga taong may espesyal ding mga kakayahan. Kaya ba nilang makipagsabayan sa nag-iisang Superman? Iimbestigahan ni Tado sa probinsiya ng Iloilo ang mga Pinoy na taglay raw ang iba-ibang kagila-gilalas na ‘super human powers’ sa pamumuno ni ‘Master of Pain’ na si Jess Caigoy. Ano ang siyensiya sa likod ng kanilang pagiging ‘super’?
 


 


Kukurut-kurutin naman ni Maey B. para patunayang totoong tao ang real-life  na Superman at Pinoy na si Herbet Chavez.  Katakut-takot na retoke ang pinagawa ni Herbert sa sarili para maging kamukha niya raw ang idolo.   Siya rin ang Guiness World Record holder ng may pinakamaraming Superman collection!   Superman na, superfan pa!

At uubra kaya ang ating mga ka-AHA! sa isa na namang hamon ng ‘AHA-stig!?’

Sama na sa mga super adventures ngayong Linggo, sa AHA! 9:00 ng umaga sa GMA.
 

Tags: plug, aha, superman