GMA News Online
Showbiz

Jolina Magdangal, umalis sa Sunday All Stars dahil sa 'health reasons'

June 23, 2013 6:15pm
Inanunsiyo nitong Linggo sa Sunday variety show na "Sunday All Stars" na bababa na sa pagiging team leader ng "Tropang iLike" ang Kapuso star na si Jolina Magdangal sa dahil sa problema nito sa kanyang kalusugan.

"I've decided not to do the show kasi kailangan ko talagang magpahinga dahil sa health reasons. Hindi lang sa Sunday All Stars pati sa Mundo Mo'y Akin at saka sa Personalan," wika ni Jolina sa VTR na ipinalabas sa nasabing palabas.

Ipinasa nito ang responsibilidad bilang team leader sa aktres na si Kris Bernal.

Samantala, sa kabila ng pag-alis ni Jolina, nagwagi naman ang grupo nila na pinamumunuhan na ngayon ni Kris ngayong Linggo.

Ang pagpili ng panalo ay mula sa text votes at sa boto ng Big Four na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, at Janno Gibbs. Napapanood ang Sunday All Stars tuwing Linggo. Mac Macapendeg/BM, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus