GMA News Online
Showbiz

'Tropang Trending' ni Mark Bautista, muling nagwagi sa Sunday All Stars

July 7, 2013 4:17pm

Muling nagwagi ang "Tropang Trending," ang grupong pinamumunuhan ni Mark Bautista, bilang "Best Team Performance" sa Sunday noontime show na "Sunday All Stars" para sa "Heroes"  theme episode nitong Hulyo 7.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nanalo ang naturang grupo. Unang itinanghal na kampeyon ang "Tropang Trending" sa street-themed episode ng naturang palabas kung saan itinanghal din si Rochelle Pangilinan bilang Best Performer.

Itinampok ng naturang grupo ang mga makabagong bayani ng bansa kabilang na sina Kesz Valdez (International Children's Peace Prize Awardee), Mark David (2012 Pinoy Hero Awardee), Joven Mallo, (2012 Olympics Torch Bearer), at Efren Peñaflorida Jr. (2009 CNN Hero of the Year).

Ang "Tropang Trending" ay binubuo nina Mark Bautista, Mark Herras, Kylie Padilla, Barbie Forteza, Rita de Guzman, Derrick Monasterio, Denise Barbacena, Rochelle Pangilinan, at Rachelle Ann Go.

Ayon pa kay Joey Marquez, guest judge, "So far ito yong pinaka-magandang message pagdating doon sa theme niyo of the the week."

Biro pa nito, "'Yong iba mess lang. Ito message."

Ayon naman kay Janno Gibbs, ito naturang grupo raw ang kauna-unahang pagkakataon na may standing ovation mula sa judges.

Sa naturang episode, itinampok naman ng "Tweet Hearts" sa kanilang production number ang dating Kapuso shows tulad ng Encantadia, Mulawin, at Super Twins.

Suot-suot ang mga costume ng apat na diwata sa fantaseryeng Encantadia, gumanap si Maricris Garcia bilang "Pirena," si Yassi Pressman bilang "Amihan," si Julie Anne San Jose bilang "Alena," at si Andrea Torres bilang "Danaya."

Binuhay naman ni Ryza Cenon at Ruru Madrid ang karakter nina Aguiluz at Alwina ng Mulawin.

Gumanap din bilang Super Twins sina Jennylyn Mercado at Max Collins at sina Sef Cadayona at Rocco Nacino.

Samantala, itinanghal naman si WinWyn Marquez ng "Insta Gang" bilang Best Performer of the Week.

Ang "Insta Gang" na pinamumunuhan ni Christian Bautista ang natatanging grupo na hindi pa nanalo sa Sunday All Stars. Mac Macapendeg/BM, GMA News
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus