Pagkakabisto ni Lally sa relasyon nina Eric at Vincent, tinutukan, pinag-usapan
Sa episode ng "My Husband's Lover" nitong Huwebes, naganap na ang pinapangambahan ni Lally na mapatunayan na may kinalolokohan ang kanyang asawang si Vincent. Pero hindi naihanda ni Lally ang sarili sa kanyang natuklasan na ang kinahuhumalingan pala ng kanyang mister ay isa ring lalaki-- si Eric. Gaya ng nakaraang mga episode ng tinututukan ngayong primetime series ng GMA-7, muling pinag-usapan sa microblogging site na Twitter ang "#Day24" ng serye na pinagbibidahan nina Carla Abellana (Lally), Dennis Trillo (Eric) at Tom Rodriguez (Vincent). Nag-trending sa Twitter "Worldwide" at nag-no.1 sa "Pilipinas" ang pagkakabuko ni Lally kina Vincent at Eric habang nasa condo ang dalawa at naghahalikan. Marami sa mga komento ang nagsabing naging sobrang suspense at tensiyunado ang kanilang pakiramdam habang pinapanood ang eksena kung saan patungo na si Lally sa room 1720 na condo unit ng dalawa. At ngayon nabisto na ni Lally ang relasyon nina Eric at Vincent, aabangan sa susunod na episode ang gagawing pag-amin ng kanyang asawa sa tunay nitong katauhan. Narito naman ang ilang komento tungkol sa masasabing isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng serye:
Intense! Grabe! Kudos to GMA. Naloka ako sa scene na yun. And it is my fave part. Hahaha! #MyHusbandsLoverDay24 — Jandee Canturias (@jandeecanturias) July 11, 2013
Gusto q ung slowmo at sobrang tahimik na scene na yun. Tas biglang boom! Panalo! That was a brilliant scene. #myhusbandsloverday24 — iloveshayashtroian (@iamillef) July 11, 2013
Awwwww!! Sobrang shocking ang last scene ng #MyHusbandsLoverDay24!!@MissAbellana — chel caballero (@itsmechelrai) July 11, 2013
The sound effects drove me insane! My heart skipped a beat! Congratulations GMA Network! You made a great story! #MyHusbandsLoverDay24 — johnzkiie ▲ (@PapaJOHNZKiiE) July 11, 2013
And it happened! Lally already know the truth. I have to cancel my plans tomorrow just to watch the show. lol #MyHusbandsLoverDay24 — Jameson Lacsamana (@JamesonLance) July 11, 2013
...lumuwag na pakiramdam ko after ng #myhusbandsloverday24... ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito sa pinanuod ko!!! hahahaha... — George Demie (@iamhorhe) July 11, 2013
Sobra kong naapektuhan,ibang level ung kaba ko..hahahah!! Pengeng tubiggggg. #MyHusbandsLoverDay24 — Maricor Valerio (@Maricor_ADDLIB) July 11, 2013
-- FRJimenez, GMA Newsgrabe!!!! ang bilis ng pacing!!! nakkagulat! ANG GOLINGGGG #MyHusbandsLoverDay24 — ∞εüяεngg∞ (@princesseurengg) July 11, 2013