ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso celebrities, wagi sa Yahoo OMG! Awards 2013; Marian Rivera, itinanghal na Celebrity of the Year


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinangunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang ilang Kapuso celebrities na nagwagi sa Yahoo OMG! Awards 2013 na ginanap nitong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. Itinanghal na OMG! Celebrity of the Year si Marian na siya ring kinoronahan kamakailan bilang Sexiest Woman ng FHM magazine ngayong taon. Nakamit naman ng programang “Eat Bulaga” ang OMG! Best Noontime Show award, habang ang isa sa mga host nito na si Vic Sotto ang itinanghal na Favorite Male TV Host. Wagi rin ang bulilit dabarkads na si Ryzza Mae Dizon na kinilalang OMG! Child Star of the Year. Sa ikatlong sunod na taon ay nagwagi muli si Eugene Domingo bilang OMG! Comedienne of the Year. Kinilala naman si Elmo Magalona bilang Male Performer of the Year, at si Julie Anne San Jose ang Female Performer of the Year. Ang kanilang fans club na JUlIELMO PEXERS ang nanalong OMG! Fan Club of the Year. Napunta ang OMG! Awards 2013 Best FM Radio Station sa Brgy LS 97.1. Ang mga nagwagi sa OMG! Awards 2013 ay ibinatay sa nalikom na mga boto sa internet at pag-text. -- MMacapendeg/FRJ, GMA News