ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga kapitan ng 2 barko na nagbanggaan sa Cebu, bigo raw makapag-usap sa radio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Humarap na sa pagdinig ng Special Board of Marine Inquiry sa Cebu ang mga kapitan ng dalawang barko na nagbanggaan sa karagatang sakop ng Talisay City noong Agosto 16.   Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabi nina Capt. Rolito Gilo ng Suplicio Express 7 at Capt.  Reynan Bermejo ng MV St Thomas Aquinas, na sinikap nilang mag- usap sa radio bago ang insidente pero nabigo.   Dagdag pa ni Bermejo, pumihit ng pakaliwa ang Aquinas at sumabay ng pihit pakanan ang Suplicio. Huli na raw nang muling pumihit sa kabilang direksiyon ang Aquinas at naganap na ang salpukan.   Sa tindi ng pinsala ng Aquinas na may sakay ng tinatayang 800 katao, lumubog ito na nagresulta ng pagkamatay ng mahigit 80 katao at may 40 pang nawawala.   Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na kontrolado na ang oil spill na nangyari dulot ng paglubog ng Aquinas. -- FRJ, GMA News