Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Lauren Young denies Julie Anne San Jose was pulled out of Dormitoryo because of her

September 13, 2013 3:15pm


Nilinaw ni Lauren Young ang balitang kasama dapat ang rumored boyfriend niyang si Elmo Magalona sa cast ng bagong weekly afternoon series ng GMA-7 na Dormitoryo.

Sabi ni Lauren, “Si Elmo naman po, he’s not part of this show naman po talaga.

“Hindi rin po namin alam kung bakit may mga lumalabas na isyu kung bakit siya kasama.

“But from the beginning, he wasn’t offered Dormitoryo po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren sa presscon ng Dormitoryo kagabi, September 11,sa 17th floor ng GMA Network Center.

Napagkukuwentuhan ba nila ni Elmo kung bakit wala itong shows ngayon sa GMA-7?

Ayon kay Lauren, “Si Elmo po kasi, mag-o-audition siya, minsan napu-pullout siya sa mga show.

“Pero, nagtataka siya kung bakit hindi nga raw matuluy-tuloy ang mga shows niya, which is not his decision naman.

“I just told him, ‘Maybe it’s not your time and everyone has his time naman.’

“Nagtataka lang naman siya, but I believe everyone has his time.

"'Maybe, it’s not the right project for you.  Darating at darating din naman yun. Malay mo, ang susunod na darating, mas bongga.'”

Dagdag niya, “Hindi naman puwedeng maging choosy, di ba? Ang dadami na nga natin. Kung offer-an ka, tanggapin mo na.

“Pero sometimes kasi, kung hindi talaga swak sa ‘yo ang role, yung inu-offer sa ‘yo, parang ayaw mo pa rin tanggapin.

“Siyempre, yung image mo pa rin, puwedeng masira.

“Pero yung mga inu-offer sa kanya, it’s so happens hindi lang napu-push through.”
 
JULIE ANNE SAN JOSE. Bukod kay Elmo, nabalita ring kasama dapat si Julie Anne San Jose sa cast ng Dormitoryo. At iniintriga nga na dahil daw kay Lauren kaya nawala ito sa cast.

Si Julie Anne ang ka-loveteam ni Elmo.

“Dahil sa akin po talaga?” nagtatakang sagot ni Lauren.

“Wala naman po yun.

“Siguro… well, siya naman po kasi… maybe the reason why she’s not here, she has a bigger… may show sila.

“Mapapanood nila si Julie Anne every day. Good for her and it’s also sad na wala siya rito.”

Ang tinutukoy ni Lauren ay ang drama series na pagbibidahan ni Julie Anne katambal si Kristoffer Martin, ang Kahit Saan Ka Man.

Sabi pa ni Lauren, “Ako, I’m always looking forward working with her.

“But with the issue na kasalanan ko raw, kasalanan daw ni Tita Pia [Magalona, Lauren's manager], with everything that happens naman, you know, Tita Pia, all she can do is to push me as an artist.

“But it’s up to them, the management, the director, kung sino talaga ang gusto nila.

“Yes, she [Julie Anne] was casted, but I think she was pulled out because she has bigger opportunity.

“And, you know, they should not be sad because, I think, this is what she wanted—a musical for her—and dito naman siya magsa-shine.

“She’s a singer and also an artist.”

Hindi kaya parang ganti-gantihan na lang dahil balita ay tinanggihan naman daw ni Julie Anne si Elmo sa pagbibidahang teleserye nito?

“Hindi naman po,” sagot ni Lauren.

“Like I said, it’s up to the management naman po kung sino ang mailalagay dun.

“And sa pagganti, she’s not like that naman po. She’s a very, very nice person and she’s also a professional.

“You know, she and Elmo work as a loveteam.

“Kung tumanggi man siya… although I know she wouldn’t do that because they helped each other as a loveteam.

“They wouldn’t be where they are now if not for their loveteam also. 

“I don’t think she would do that.”
 
FOLLOW-UP PROJECT. Masuwerte si Lauren dahil pagkatapos ng huling taping niya para sa Mundo Mo’y Akin ay nag-taping siya agad para sa Dormitoryo, kaya hindi siya nabakante kahit isang araw man lang.

Bukod dito, mayroon pa siyang primetime series na Genesis.

Sabi niya, “For the last two weeks, kasi MWF, Mundo Mo’y Akin. Thursday [Dormitoryo], ito.
“Then, minsan dumidiretso ng taping.

“Sad na tapos na ang Mundo Mo’y Akin but it gives me more time to focus on this. And I’m also doing Genesis kasi.”

Ginagampanan ni Lauren sa Genesis ang role ng anak ni Lorna Tolentino.

Bukod sa hectic schedule niya ngayon sa showbiz, balik-eskuwela rin si Lauren sa La Salle College of St. Benilde kunsaan kumukuha siya ng kursong HRM major in Culinary Arts.

Busy man ngayon si Lauren, mahahanapan pa rin niya ng panahon na magpunta sa Bali, Indonesia upang suportahan ang kapatid niyang si Megan Young sa Miss World 2013.

Magkasabay ba sila ng rumored boyfriend ni Megan na si Mikael Daez na pupunta sa Bali?
“Hindi po, I think he’s going.”

Biro pa niya, “Dapat lang na pumunta siya, ‘no!”

Bakit nagde-deny pa sina Mikael at Megan tungkol sa kanilang relasyon?

“Bahala sila dun. Bahala sila… gets n’yo na ‘yan!” natatawang sabi ni Lauren.
 
ALDEN RICHARDS. Napansin naman namin ang kasiyahan sa mukha ni Lauren nang hingan ito ng reaksiyon sa sinabi ni Alden Richards na gusto siya nitong makatambal sa mga susunod na proyekto.

Sabi ni Lauren, “I’m happy kasi I like working with Alden and, ako rin, personally, gusto ko rin na sana ma-push through pa yung loveteam namin.

“Kasi, he’s a very committed actor. He’s very nice.

“He’s not only good but he knows what he wants and he wants to be a good actor.”

Palagi ngang sinasabi ni Alden na gusto nitong matuloy ang nasimulan nilang tambalan sa Mundo Mo’y Akin. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Talaga?” nakangiting sagot ni Lauren. “Sana, sana...”

Mukhang nabitin si Alden sa tambalan nila sa Mundo Mo’y Akin?

“Opo nga, kasi po, ang nangyari, more on sa amin ni Louise [delos Reyes], first part lang ang sa amin ni Alden.

“Pero sana, sana they’ll give us opportunity to do a teleserye together. Why not?” -- Rose Garcia, PEP
Go to comments