Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Winwyn Marquez dead set on joining Bb. Pilipinas in two years

September 22, 2013 1:45pm
Si Winwyn Marquez ang pinakabagong talent ng Mercator Artist & Model Management na pinamumunuan ni Jonas Gaffud.
 
Bukod sa mga kilalang beauty queens, kabilang din sa mga talents ng Mercator ang mga guwapong modelo at artista na tulad nina JC Tiuseco, Daniel Matsunaga, Ervic Vijandre, Hideo Muraoka, at Fabio Ide.
 
Sa dami ng mga naggaguwapuhang mga lalaking yun, wala bang nagpaparamdam sa maganda, matangkad, at seksing dalaga?
 
“Wala po, wala po, pero sila Fabio sobrang bait sa akin. Sobrang parang sister ang turing nila sa akin. Ako po yata ang pinakabata sa kanila at pinakabago. Kami ni Ken Alfonso.
 
“Very helpful sila sa akin, pero ligaw, wala naman po,” saad ni Winwyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
 
Si Ken raw, na isa ring baguhang modelo at aktor, ang pinaka-close ni Winwyn among the male talents ng Mercator.
 
Malapit din ang loob niya duon sa iba. “Si Fabio kasi nakasama ko siya. Si Fabio and Hideo nakasama ko sila sa workshop nang matagal, so sila yung nakakausap ko talaga,” kuwento niya.
 
STARSTRUCK OVER VENUS RAJ. Among the female talents naman ng Mercator, ito ang sabi ni Winwyn, ang anak ng dating mag-asawang sina Joey Marquez at Alma Moreno.
 
“Sa babae? Ang nakakasama ko lang po sa workshops, puro lalaki, kasi wala naman pong artista talaga ang Mercator na girl, puro beauty queen.”
 
Kasama sa mga beauty queens na ito ay sina Venus Raj, Shamcey Suspsup, Janine Tugonon, Megan Young, at Mutya Datul, ang reigning Miss Supranational 2013.
 
“Pero si Venus po, kilala ako. Nag-hi nga po siya sa akin, kinilig ako,” at tumawa si Winwyn, na ang ibig sabihin ay tila na-starstruck siya sa 2010 Miss Universe 4th runner-up.
 
“Si Venus sobrang supportive, ang bait, kasi kahit hindi ko naman siya nakakausap, sobrang accommodating niya sa akin,” pagmamalaki niya.
 
MOM ALMA MORENO. Ang ina ni Winwyn na si Alma Moreno ay muling nagwagi bilang konsehal ng Parañaque nitong nakaraang eleksyon.
 
Sa tanong kung sa kabisihan ni Alma ay nagkikita pa sila ni Winwyn…
 
“I don’t see her, I don’t see her a lot. Ang tagal na po, ang last naming nakita ko siya, a few weeks ago. Nag-taping lang po kami for Anak Ko Yan, pero before that ang tagal, three months yata.”
 
Naging guest judge raw sila sa naturang talent search ng GMA hosted by Jennylyn Mercado.
 
“Ang tagal, three months, four months ata na hindi ko siya nakita,” sinabi pa ni Winwyn tungkol sa ina.
 
“Kasi lagi siyang out-of-town, busy siya, tatakbo siya ulit, for President ng Councilors League [of the Philippines], so very, very busy. Sa phone lang.”
 
Hindi na raw siya nalulungkot kahit bihira silang magkitang mag-ina.
 
“Siguro po, nasanay na ako kasi since bata pa lang ako, I don’t really... I rarely see them.
 
“Nung sila pa [ng amang si Joey], oo, pero nung naghiwalay sila, twelve-years old lang ako nun. So, nasanay na lang talaga po ako. Pero tumatawag naman sa akin,” pag-amin ni Winwyn.
 
DORMITORYO ROLE. Sa Dormitoryo, na ipapalabas na sa GMA ngayong Linggo ng hapon, September 22, gaganap si Winwyn bilang si Maika Benitez.
 
Kasundo at kaibigan raw niya ang buong cast ng show.
 
“Lahat po! Kasi si Enzo [Pineda], si Mayton [Eugenio], para ko na pong mga best friends, si Joyce [Ching]. Kilala ko po silang lahat, e.
 
“Si Lauren [Young] ngayon ko lang po siya naka-work, ngayon ko lang po siya talaga nakakausap, and everytime na umaarte siya, sobrang nagagalingan talaga ako sa kanya.
 
“May level talaga siya na, wow!
 
“Ang galing umarte, sobra!”
 
Bukod kina Winwyn at Lauren Young (na gumaganap bilang Hazel Mendoza), nasa Dormitoryo rin sina Enzo Pineda bilang si Burns Chavez, Mayton Eugenio bilang Weng Dimagiba...
 
Ruru Madrid bilang Charlie Chavez, Joyce Ching bilang Airiz de Ocampo, Annicka Dolonius bilang Janet Pulido, at Ash Nordstrom bilang Rose Angeles.
 
Ito ay sa direksyon ng beterano at mahusay na direktor-manunulat na si Jun Lana.
 
Mapapanood ang Dormitoryo sa GMA, tuwing Linggo, pagkatapos ng Sunday All Stars, kung saan kasama rin si Winwyn. Kaya tuwing Linggo ay magkasunod na mapapanood si Winwyn.
 
Sa Dormitoryo, bagamat mamamatay ang karakter ni Winwyn na si Maika sa umpisa pa lang ng kuwento, mapapanood si Winwyn sa kabuuan ng programa.
 
“All throughout, buo,” patungkol ni Winwyn tungkol sa partisipasyon niya sa show.
 
“Kasi every episode, ipapakita yung story ko... kung bakit naging ganun. So every episode, may parang, ‘Ay, ganun pala yun!’
 
“So, laging may twist.”
 
CROWN OVER HEART. Malamang ay dalawang taon pa bago sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas.
 
Paano kapag umibig na siya at yayaing pakasal ng magiging boyfriend niya?
 
“Ay, break na tayo! Joke,” sabay tawa ni Winwyn.
 
Mas pipiliin daw niya ang korona kaysa puso.
 
“Oo, mas pipiliin ko muna yung korona kasi, kung makakapag-antay siya, makakapag-antay siya.
 
"Kasi nga po, ang puso, kung hindi siya makakapag-antay, hindi naman po siya deserving,” giit niya.
 
Nasa dating stage uli sila ng ex-boyfriend na Philippine Airlines flight attendant, matapos mag-break after a two-year relationship.
 
Hindi ba mahirap iyon? Na dati silang may relasyon, nag-break, at ngayon ay nagde-date muli?
 
“Mahirap, pero kailangan pong... hindi pa po kasi kami nagkakasundo, kung kaya ba namin o hindi yung schedule.
 
"So tinitingnan pa kung kaya or hindi. Mag-uusap pa, madami pang pag–uusapan,” kuwento niya.
 
Gaano ba sila kadalas magkita?
 
“Minsan po kasi bibisitahin niya ako sa bahay. Twice, thrice a week? Ganun lang po, pero okay naman po, masaya naman po.”
 
Ultimate dream raw talaga ni Winwyn na maging beauty queen.
 
“Bata pa po ako. Ang sabi ko nga, kahit makasali lang ako, kahit finalist or semi-finalist lang, okay lang sa akin,” sabi ng sexy at morena beauty. Pep.ph



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus