ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki na nagpakilala sa pangalang Freddie Aguilar, hinuli dahil sa pagnanakaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Arestado ang isang lalaki na nagpakilalang si Freddie Aguilar, kapangalan ng sikat na mang-aawit, dahil sa umano'y pagnanakaw ng bakal sa isang paaralan sa Malasiqui, Pangasinan. Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing nakita ang lalaki na umakyat sa bakod ng Malasiqui Catholic School, at kinuha ang dalawang piraso ng bakal. Tinangay din umano nito ang isang motorsiklo sa kaniyang pag-alis na nabawi naman ng mga awtoridad, ayon sa pulisya. Mariin namang itinanggi ng lalaki ang paratang sa kanya. Inihahanda na kasong isasampa sa kanya. -- FRJ, GMA News