GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Ryzza Mae Dizon, itinanghal na 'Best Child Performer' sa 26th Aliw Awards

October 9, 2013 11:34pm

Wagi ang Kapuso child star na si Ryzza Mae Dizon matapos tanghaling bilang Best Child Performer sa katatapos na 26th Aliw Awards.

Ang parangal na natanggap ng "aling maliit" na si Ryzza ay para sa kaniyang paglabas sa "The Jose and Wally Concert: A Party for Juan and All," na ginanap sa Araneta Coliseum.



Samantala, si Tirso Cruz III ang kinilalang Best Actor In A Features Role para sa stage musical na "Katy," at si Isay Alvarez ang Best Actress (musical) para rin sa "Katy."

Humakot naman ng parangal si Dulce, iniuwi ang Entertainer Of The Year, Best Actress In A Featured Role (Katy) at Best Performance In A Concert (female).

Si Ely Buendia naman ang itinanghal na Best Performance In A Concert (male), at ang rapper na si Abra ang kinilalang Best New Artist,

kabilang naman sa mga ginawaran ng Lifetime Achivement Awards sina Nora Aunor, Angie Fiero, Lirio Vital, Nestor Torre, Leyte Dance Group, UP Repertory at sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. -- FRJimenez, GMA News