GMA News Online
Showbiz

Megan Young hinarana ng Kapuso stars sa Sunday All Stars

October 13, 2013 5:52pm
Hinarana ng Kapuso stars na sina Alden Richards, Aljur Abrenica, Jay-R, Mark Bautista, at Janno Gibbs  ang 2013 Miss World Megan Lynne Youngsa programa ng GMA-7 na Sunday All Stars nitong Linggo.
 
Sa naturang pagtatanghal, binigyan ng mga Kapuso stars ng rosas ang kauna-unahang beauty queen mula sa bansa na nakatanggap ng sikat na blue crown, sa kantang "The Most Beautiful Girl In The World" ni Prince.
 
Pagkatapos ng kanilang harana kay Megan, nagpasalamat ang beauty queen sa handog ng Sunday All Star gayundin sa mga taong sumuporta sa kanya upang makamit ang pangarap.
 
Aniya, "Thank you to these very handsome men for serenading me today at maraming salamat sa inyong lahat sa pagsuporta, sa mga Pinoy, sa mgaKapuso, maraming salamat po sa suporta at pagmamahal."
 
Naunang nakilala si Megan bilang avenger sa dating GMA reality search na "StarStruck 2." Sumali siya sa naturang palabas sa edad na 14. 
 
Sa naturang palabas, nakatanggap si Megan ng papuri mula sa  1979 Miss International Melanie Marquez at sinabing may pag-asa itong maging isang beauty queen.
 
Itinanghal si Megan, 23, bilang kauna-unahang Filipinang nakasungkit ng prestihiyosong titulo bilang Miss World 2013 na idinaos sa Bali, Indonesia.
 
Kasalukuyang nasa bansa si Megan para sa kanyang proyekto bilang Miss World sa Philippine General Hospital ngayong Lunes. 

Tumungo rin si Megan sa Tuloy Foundation sa Alabang, Muntinlupa City nitong Linggo para sa kanyang charity work.
 
Samantala, bumisita naman si Megan sa kanyang hometown ng Olongapo City kamakailan. Mac Macapendeg / KDM, GMA News 



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus