ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nanalong kapitan ng barangay sa Ilocos Norte, inakusahang namili ng mga boto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inirereklamo ang nanalong kapitan ng Barangay Bugnay sa San Nicolas, Ilocos Norte dahil sa pamimili umano ng boto nitong Lunes.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing isang barangay tanod umano ang nakakita kay Franklin Agustin na namimigay ng pera sa mga tao ilang oras bago ang eleksiyon.



Sinita umano ng tanod si Agustin pero sa halip na tumigil ay tinangka raw nitong manuhol. Dahil dito, hinablot ng tanod ang pera at isinumbong sa pulisya.

Mariin namang itinanggi ni Agustin ang akusasyon sa kanya ng tanod.

Idinagdag nito na handa niyang harapin ang anumang reklamo na isasampa laban sa kanya.

Wala pa namang pahayag na ibinibigay ang Comelec tungkol sa nasabing usapin, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News