ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Saan makikita ang tinatawag na 'forgotten cemetery' sa Pilipinas?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang binansagang 'forgotten cemetery' sa Pilipinas kung saan nakahimlay ang libu-libong mga labi ng mga sundalong Pinoy at Amerikano na nasawi sa digmaan?

Ang 'forgotten cemetery' ay ang Clark Veterans Cemetery na matatagpuan sa Pampanga, kung saan nakahimlay ang halos 8,600 mga labi. Bukod sa mga sundalong Pinoy at Amerikano, pinayagang din na mailibing dito ang malapit na kaanak ng mga beterano.

Bagaman itinayo ang libingan noong 1947, dito rin inilipat at inilibing ang mga beteranong nasawi mula pa noong 1900's nang mawasak ang kanilang libingan sa Manila dulot ng World War II.

Nang pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991 at pag-alis ng tropang Amerikano sa kanilang mga base militar sa Pilipinas gaya sa Clark, napabayaan at natabunan ng abo na ibinuga ng bulkan at mga talahib ang Clark Veterans Cemetery.

Sa pamamagitan ng isang grupo na itinatag noong 2010 na tinawag na Clark Veterans Cemetery Restoration Association (CVCRA), unti-unting naisaayos ang libingan ng mga beterano.

Nitong nakaraang Enero 2013, isang panukalang batas ang inaprubahan ng Kongreso ng US, at nilagdaan ni US President Barack Obama upang maglaan ng $5 milyon para sa lubos na rehabilitasyon ng nasabing libingan. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia