GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Kylie Padilla, gaganap na taong ibon sa telefantasyang 'Adarna'

October 31, 2013 4:12pm

Malapit nang mapanood sa unang pagkakataon ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa GMA Primetime block para sa fantaseryeng "Adarna" kung saan gaganap siya bilang isang taon ibon.
 
"May pressure 'yon 'pag primetime. Kailangan ko talaga patunayan, tingin ko hindi ko pa napapatunayan na deserve ko," wika ng aktres sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng "24 Oras."

 
Gaganap sila Kylie bilang si Ada, isang taong ibon na mayroong natatanging kapangyarihan. Ang naturang fantaserye ay hango sa epikong "Ibong Adarna." 
 
"Sabi nila, magiging mandirigma rin si Ada, so, I'm excited doon sa part na 'yon," pahayag ng aktres.
 
Dagdag pa ni Kylie, maihahalintulad ang kanyang karakter sa isang superhero.
 
"Matagal ko na ring pinangarap maging superhero. Mas gusto ko na rin 'to kasi superhero siya ng Pinoy, Pinoy siya. It's a Filipino story," anang aktres.
 
Bukod naman sa tema ng palabas, magkakaroon din ng tatlong leading men si Kylie Padilla at kabilang na rito ang nagbabalik na si Geoff Eigenmann.
 
Huling napanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime show na "Unforgettable." Nakasama niya rito sina Mark Herras at Benjamin Alves.
 
Napapanood din tuwing linggo ang aktres sa Sunday musical variety show na Sunday All Stars na kabilang sa "Ligang iLike."
-- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News