ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 munisipalidad sa Camarines Sur, naapektuhan ng storm surge; 80 bahay, nawasak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Aabot sa 80 bahay ang winasak ng storm surge na tumama sa tatlong munisipalidad ng Camarines Sur nitong Biyernes dulot ng bagyong "Yolanda."

Sa ulat ni Maila Aycocho ng GMA-Bicol sa GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing ang mga munisipalidad na naapektuhan ng storm surge ay ang Presentacion, San Jose at Sangay.

Umabot umano sa pito hanggang walong metro ang taas ng rumaragasang mga alon na tumama sa mga kabahayang nasa tabing-dagat.



Pero dahil lumikas na nitong Huwebes sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente, walang iniulat na nasawi sa pagtama ng storm surge, bagaman may apat na iniulat na nasaktan.

Sa Sto Domingo, Albay, ilang kabahayan din ang binaha dahil sa pagtama ng malalaking alon.

Aabot umano sa 130,000 katao ang lumikas at pansamantalang sumilong sa mga evacuation center.

Pero dakong 2:00 p.m. nitong Biyernes, nagbigay ng abiso si Albay Governor Joey Salceda na ligtas na at maaari nang umuwi sa kani-kanilang bahay ang mga evacuee. -- FRJ, GMA News