GMA News Online
Showbiz

Magpakailanman presents: 'Sa Mata ng Daluyong: The Typhoon Yolanda Tragedy'

November 28, 2013 3:41pm


 
Buong mundo ang nagimbal sa trahedyang sinapit ng ilang lalawigan sa Pilipinas dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyong "Yolanda." Marami ang tiyak na nakaramdam ng lungkot, takot, at maging ng paghihirap na dinanas ng ating mga kababayang naapektuhan.

Pero paano naman ang mga tao na mismong nandoon sa gitna ng mala-delubyong sitwasyon dulot ng bagyo at daluyong ng dagat?

Ngayong Sabado, sasamahan ni Love Anouver si Miss Mel Tiangco sa isang espesyal na handog ng Magpakailanman para sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."

Ikukuwento ni Love kung ano ang mga dinanas nila ng kaniyang mga kasamahan sa News, at ang triumphant human spirit na kanilang nasaksihan sa mga mamamayan ng Leyte.

Sunshine Dizon stars as Love Anouver ngayong Sabado sa “Sa Mata ng Daluyong: The Typhoon Yolanda Tragedy.”

Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko.  -- GMANetwork.com