ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Janine Gutierrez on mom’s love life: 'Nakikita ko na masaya siya so happy na rin ako'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Marami na raw ang nanliligaw kay Kapuso actress Janine Gutierrez ngunit hindi niya muna ito pinaglalaanan ng oras dahil naka-focus sya sa kaniyang showbiz career. Lalo pa ngayong bida siya sa remake ng Afternoon Prime soap na Villa Quintana kung saan katambal niya si Elmo Magalona.
Maituturing na zero ang love life ng gumaganap sa character ni Lynette Quintana sa nasabing show. Pero ang kaniyang ina at manager na si Lotlot de Leon, in love sa bago nitong boyfriend.
Early this year nang mabalita ang rumored foreigner boyfriend ni Lotlot. Pero last month lang nang mag-post siya ng picture sa Instagram kasama ang isang ‘di kilalang foreigner na lalaki at ilang mga kaibigan.
Sa ginanap na bloggers’ conference ni Janine, nakakuha ng pagkakataon ang GMANetwork.com na tanungin ang aktres kung kilala niya ang lalaking nasa Instagram photo ng ina.
Hindi naman nag-hesitate si Janine na kumpirmahing ito nga ang napapabalitang Lebanese boyfriend ni Lotlot at pinangalanan ito ng dalaga bilang si Fred El Soury.
Kuwento ni Janine, nakita niya na raw ng personal si Fred. Pormal daw na ipinakilala ni Lotlot ito sa kanilang magkakapatid.
Sabi niya, noong time daw na ipinakilala ni Lotlot ang boyfriend nito ay kitang-kita raw nilang magkakapatid na napakasaya ng dalawa. “Nakikita ko na masaya siya so happy na rin ako,” dagdag niya.
Ayon kay Janine, ang pagkakaalam niya raw ay ilang buwan pa lang ang itinatagal ng relasyon ni Lotlot at Fred.
Tanggap naman ba ng ng lahat ng kapatid niya ang love life ni Lotlot? “Okay naman po, tanggap naman. Sinasabi rin naman po ng mga kapatid ko na as long as mama is happy, we'll support her,” sagot ni Janine.
Taong 2008 nang maghiwalay sina Lotlot at ang asawang si Ramon Christopher o mas kilala sa showbiz bilang si Monching. Halos 19 taon din ang itinagal ng kanilang pagsasama.
Tinanong pa namin kay Janine kung ano ang reaksiyon ni Monching sa bagong love life ng dating asawa. Sagot nito, hindi niya raw alam pero sigurado raw siyang masaya rin ito para kay Lotlot. Dagdag pa niya, “alam ko naman na kahit hiwalay na sila, they still care about each other and they still wish the best for each other.”
Subaybayan si Janine Gutierrez bilang Lynette sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime. -- Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: janinegutierrez
More Videos
Most Popular