Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Winwyn Marquez defers beauty pageant plans; prioritizes showbiz career

December 9, 2013 2:36pm
Mukhang hindi pa sigurado si Winwyn Marquez kung makakasali siya sa anumang beauty pageants sa 2014, gaya ng una niyang inasahan.
 
Mas uunahin daw muna niya ang pag-aartista bago siya mag-full time sa pag-training bilang isang beauty pageant contestant.
 
Kakapirma lang daw kasi ni Winwyn ng two-year exclusive contract sa GMA Network at sunud-sunod ang gagawin niyang projects sa 2014.
 
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Winwyn noong December 5 sa Mesa restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, sinabi nitong gusto niya talagang dumaan na sa training pero kailangang tapusin muna niya ang kontrata sa Kapuso network.
 
“Kung ako lang po ang magde-decide, gusto ko na pong mag-start ng training para makasali na ako sa beauty pageant.
 
“Kahit anong pageants naman ay puwede, basta ma-experience ko na siya.
 
“Pero kinausap nga ako ni Mama Jonas [Gaffud]. Sabi niya na magiging conflict ang kontrata ko with GMA-7.
 
"Hindi raw niya ako mate-train dahil mape-pressure siya sa kontrata ko.
 
“Kaya gusto niya ay tapusin ko muna ang two years na ‘yon, and by that time ay mukhang magiging ready na ako.
 
“I trust Mama Jonas naman, and if he says na hindi pa ako ready, susunod ako,” sabi ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.
 
Si Jonas Gaffud ng Mercator Models ang tinatawag ngayon na “beauty queen maker” dahil siya ang mentor, manager at trainer ng mga naging runners-up sa Miss Universe pageant.
 
Kasama rito sina Venus Raj (4th runner up, Miss Universe 2010); Shamcey Supsup (3rd runner-up, Miss Universe 2011); Janine Tugonon (1st runner-up, Miss Universe 2012); at Ariella Arida (3rd runner-up, Miss Universe 2013).
 
Si Jonas din ang nag-train kay Megan Young para sa laban nito sa Miss World 2013, na nakuha ni Megan.
 
Taking her time
 
Dagdag pa ni Winwyn, ayaw daw siyang madaliin ni Jonas sa pagsali. 
 
“Okey lang naman po 'yun kasi gusto ni Mama Jonas na handang-handa ako. Medyo may pagka-nene pa raw ako.
 
“Gusto niya na kapag nag-start na kami ng training, may pagbabago sa akin.
 
“Ngayon po kasi, 21 years old na ako. Tama lang daw na kapag natapos ang kontrata ko with GMA-7, 23 years old na ako. Magiging ready na ako by that time. Doon na raw niya ako sisimulan na i-train.
 
“Kampante naman po ako kay Mama Jonas kasi proven na ang husay niya sa pag-mold ng beauty queen.
 
“Kaya kung sinabi niyang maghintay pa ako, maghihintay ako for the right time,” ngiti pa ni Winwyn.
 
Needs dad's approval
 
Kailangan din daw ni Wyn i-convince pa ang amang si Joey Marquez dahil hindi pa ito kumbinsido sa plano niyang sumali sa beauty pageant.
 
Very protective daw kasi ang daddy ni Winwyn, at “little girl” pa rin daw ang tingin sa kanya nito kahit na 21 years old na siya.
 
“Daddy’s girl kasi ako kaya siguro gano’n na lang ka-protective si Papa.
 
“Ayaw niya talaga akong sumali sa mga ganyan. Pero siyempre, dream ko ito at gusto kong suportahan niya ako.
 
“Sinabi ko naman kay Papa na hindi pa naman ako sasali next year. In two years pa naman. Siguro by that time, okey na sa kanya.
 
“Sagot naman niya sa akin na, ‘Titingnan ko kung papayag ako!’” sabay tawa ni Winwyn.
 
Pero pagdating naman sa kanyang inang si Alma Moreno at sa kanyang mga kapatid, all-out ang suporta nila sa dream nitong maging isang beauty queen.
 
“Si Mama naman kasi, talagang gusto niyang sundin ko ang mga pangarap ko.
 
“Si Mama ang kasama ko kasi sa bahay ngayon, kaya lagi ko siyang kinukuwentuhan ng mga plano sa akin ng GMA-7 at ni Mama Jonas.
 
“Natutuwa naman siya at may blessing ako from her. 'Tapos, ang mga kapatid ko, okey lang sa kanila.
 
“Kahit na si Kuya Mark [Anthony Fernandez], kahit na hindi kami parati nagkakausap or nagkikita, pinarating niya sa akin na he will support me all the way dahil gusto niya akong mag-succeed."
 
Si Mark Anthony ay anak ni Alma sa yumaong Rudy Fernandez.
 
“Kaya 'yung kay Papa na lang ang kailangan kong blessing. Alam ko na ibibigay naman niya iyon sa akin dahil mahal niya ako,” patuloy pa niya.
 
Busy holiday sked
 
Ngayong December nga ay puno ang schedule ni Winwyn.
 
Matatapos na nga ang kinabibilangan niyang weekly series na “Dormitoryo,” at may sisimulan na siyang bagong primetime series sa 2014.
 
Kasama din si Winwyn sa isang Metro Manila Film Festival official entry, ang “10,000 Hours,” kung saan bida si Robin Padilla.
 
Kuwento niya, “Nag-start nga kami ng promo at kung saan-saan na nga kami nakarating to promote '10,000 Hours,' na magbubukas on Christmas Day, December 25.
 
“Tapos, may last two taping days pa kami ng 'Dormitoryo.' Ngayon ay gumaganap ako ng twin ng namatay kong character na si Maika. Evil twin si Danica at siya ang manggugulo sa magiging last week ng show.
 
“'Tapos, may 'Sunday All Stars' pa rin ako. Ako ang leader ngayon ng Ligang iLike.”
 
Sa gagawing primetime series ni Winwyn sa 2014, pinapanalangin niyang si Rocco Nacino ang itambal sa kanya.
 
“Never ko pa kasing nakakatrabaho si Rocco sa mga TV dramas. E, ang galing-galing niyang umarte, di ba?
 
“'Tsaka kami ni Rocco ang parating partners noon sa 'Party Pilipinas' kapag may mga big production numbers.
 
“Kung si Rocco ang i-partner sa akin, sobra akong matutuwa.” Pep.ph



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus