ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magkaibigan, patay sa salpukan ng motorsiklo at trak sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang magkaibigang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na 10-wheeler truck sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Lunes, kinilala ang mga biktima na sina Alvin Cabyao, 25-anyos at Aristole Molina, 29-anyos.



Ayon kay SPO2 Ferdinand Dotong ng Mangaldan police, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang mga biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga sa trak na nasira ang unahang bahagi.
 
Hindi pa alam ng mga awtoridad kung bakit lumihis ng direksiyon ang motorsiklo ng mga biktima na minamaneho ni Monina at natumbok ang kasalubong na trak.
 
Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang drayber ng trak pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa media. -- FRJ, GMA News