ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki, huli nang magbayad ng mga pekeng pera sa isang grocery


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang nahuli, habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan matapos silang magbayad ng mga pekeng sa isang grocery store sa Binmaley, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, napag-alaman sa pulisya na napuna ng kahera ng grocery store na manipis at madulas ang perang ipinambayad sa kaniya ng tatlong lalaki na namili sa tindahan.

Nang usisain ng kahera ang tatlo, nagtakbuhan ang mga ito pero nadakip ang isa habang nakatakas ang dalawa nitong kasamahan.



Nakadetine ngayon sa himpilan ng pulisya ang lalaki pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa media.

Paalala ng mga awtoridad, maging maingat sa natanggap ng pera lalo na ngayong holiday season.

Samantala, isang bahay sa barangay Bagong Pag-asa sa bayan ng San Jacito, Pangasinan, ang ninakawan habang nagsisimbang gabi ang mga may-ari nito.

Natangay ng mga magnanakaw ang pera ng mga biktima at ilang gamit tulad ng mountain bike. -- FRJ, GMA News

Tags: fakemoney, fake