ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga alitaptap, mistulang Christmas lights sa Donsol river


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Damang-dama na ang Kapaskuhan sa iba't ibang bahagi ng Bicol region dahil sa naggagandahang mga ilaw at palamuti. Sa bakawan ng Donsol river sa Sorsogon, nagmimistulang libreng Christmas light show sa lugar gabi-gabi ang ilaw na nagmumula sa mga alitaptap.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nakatira malapit sa bakawan ng Donsol river ang libo-libong alitaptap na nagsisilbing living Christmas lights.

Sinasabing ang pagkislap ng mga ilaw ng alitaptap ay paraan ng mga lalaking kulisap para maakit ang mga babaeng alitaptap.

Ang may pinakamaliwanag na ilaw ang siya umanong nilalapitan ng kanilang mga kapareha.



Samantalang sa plaza ng Iriga City sa Camarines Sur, bida naman ang makukulay at life-sized na cartoon character at kasama rin si Santa Claus.

Nakasabit naman sa isang puno ang mga Christmas light na candy cane at stockings na kinagigiliwan ng mga namamasyal na pamilya.

Sa bayan ng Magarao, timeout muna sa trabaho ang ilang pulis para mag-carolling sa mga kapus-palad na pamilya.

Pero sa halip na sila ang humingi ng pamasko, ang mga pulis ang nagbibigay ng mga aginaldo sa bawat pamilyang na kanilang pinupuntahan.
 
Sa Legaspi City sa Albay, mayroon namang lalaki na nag-ala Santa Claus at nakasakay sa kanyang mala-sleigh na sasakyan.
 
Excited siyang sinalubong ng mga bata na binibigyan naman ni Santa ng candy at mga regalo.