ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang bahay sa Davao City, nasunog dahil sa napabayaang nilulutong puto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang bahay ang naabo matapos kainin ng apoy sa Davao City. Ang itinuturong pinagmulan ng sunog, ang kapabayaan ng nagluluto ng puto.

Sa ulat ni Marlon Palma-Gil ng GMA-Davao sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing may apat na kabahayan ang naabo na tinitirhan ng anim na pamilya.



Dahil mabilis na kumalat ang apoy, halos walang naisalbang gamit ang mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, lumitaw na nagsimula ang sunog sa isa sa mga natupok na bahay na pinauupahan.

Nakainom umano ang nakatira sa nabanggit na bahay at napabayaan nito ang nilulutong puto.

Dahil sa insidente, muli namang nagbigay ng paalala ang mga awtoridad na lalong maging maingat ngayong kapaskuhan. -- FRJ, GMA News

Tags: davaofire, fire