ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bus vs motorela: 2 katao, patay, 6 sugatan sa Misamis Oriental


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawa katao ang nasawi, habang anim na iba pa ang nasugatan nang matumbok ng isang bus sa puwetan ang isang uri ng tricycle na tinatawag na motorela sa El Salvador city, Misamis Oriental.

Sa ulat ni Kaye Mercado ng GMA-Northern Mindanao sa "Balita Pilipinas Ngayon" ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing naganap ang sakuna sa national highway nitong Martes ng gabi sa barangay Taytay, El Salvador city.

Paliwanag ng drayber ng bus na Rural Transit, nasilaw siya nang gumamit ng high beam light ang isang sasakyan sa kabilang lane ng kalsada.



Dahil sa pagkakasilaw, hindi nito napansin at tuluyang natumbok ang puwetan ng nasa harapang motorela.

Patay na nang madala sa ospital ang dalawang babaeng pasahero ng motorela na sina Elizabeth Roa at Imelda Malanda.

Sugatan naman ang nagmamaheno ng motorela at lima pa nitong pasahero.

Sa kabila ng paghingi ng patawad ng drayber ng bus mahaharap pa rin siya sa kaukulang reklamo.

Humihingi naman ng tulong sa kompanya ng bus ang mga kaanak ng nasawi sa aksidente.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kompanya ng bus dahil sa nangyaring aksidente. -- FRJ, GMA News

Tags: accident