ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga suspek, bumutas ng ilang dingding para manakawan ang isang pawnshop sa CDO
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng mga pera at alahas ang nalimas ng mga magnanakaw na nanloob sa isang sanglaan sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing nakapasok sa sanglaan ang mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagbutas sa dingding.
Hinihinala ng mga imbestigador na itinaon sa putukan ng mga suspek ang pagbutas noong pagsalubong sa bagong taon.
Para makarating sa dingding ng sanglaan, kinailangan muna ng mga suspek na butasin din ang dingding ng tinuluyan nilang hotel, at ang isa pang establisimyento na nasa gitna nito.
Wala pang nahuhuling salarin pero kilala na umano ang isa sa mga suspek batay sa kuha ng cctv camera. -- FRJ, GMA News
Tags: pawnshoprobbery, cdocrime
More Videos
Most Popular