ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sa Paghahanap ng Himala': dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
I-WITNESS:  SA PAGHAHANAP NG HIMALA
HOST: SANDRA AGUINALDO
AIRING DATE: JAN 6, 2014




With a touch, some collapse, tears flowing from their eyes...

With a soft whisper of a prayer, some claim to see better or to hear clearer.

The desperate flock to two churches-- one in Quezon and the other one in Cavite. Some are bound in wheelchairs, while others are in crutches. At the Kamay ni Jesus Shrine, a child whose kidney is failing, closes her eyes and with an outstretched arm fervently prays to get better. 

For those who have been suffering for a long time and whom doctors have no cure, the healing priests are their last hope.

Father Fernando Suarez may be considered the “rockstar” among healing priests. Thousands travel from all over to attend his healing masses – in churches all over the world, and even in malls around the country. His healing marathons can last up to four hours, with up to ten thousand attendees at times.

Another popular healing priest is Father Joey Faller, whose ministry has grown in the many years since he started his healing masses. In 1993, a paralyzed woman in a wheelchair stood up and walked after he prayed over her. The experience brought him to tears, he says.

For the countless people who travel long distances for a few seconds with them, the chance to hope is as good as a cure. But both priests are quick to say, it is not them who heal, but God. For the Catholic Church, miracles do happen, but not without the highest standard of proof. Even then, controversies abound. But there is no explaining miracles, nor is there a way to prove things when it comes to faith.

This Monday on I-Witness, Sandra Aguinaldo gets to know the men behind the cloth and the people who put their faith in their extraordinary gift.

Filipino version

Sa pagdampi ng kanilang kamay, may mga nawawalan ng malay at napapaluha...

Sa bulong ng isang dasal, may mga nakaririnig o nakakikitang muli.

Dumaragsa ang maraming naghahanap ng himala sa dalawang simbahan sa Quezon at Cavite. May dumarating na naka-wheelchair at meron ding may mga saklay. Sa simbahan ng Kamay ni Jesus, may isang batang may malalang sakit sa bato ang nakapikit at taimtim na nagdarasal na pahabain pa ang kanyang buhay.

Para sa mga taong matagal nang naghihirap sa kanilang karamdaman at wala nang lunas mula sa mga duktor, ang mga healing priest na lang ang huli nilang pag asa.

Maituturing na “rockstar” ng mga healing priest si Father Fernando Suarez. Libu-libo ang dumaragsa sa kanyang mga misa maging sa Pilipinas man o sa ibang parte ng mundo. Pati sa mga shopping mall, nakapagpapagaling din umano siya.  Minsan umaabot ng sampung libong katao at apat na oras ang healing sessions ni Father Suarez.

Isa pang sikat na healing priest si Father Joey Faller. Noong 1993, isang babaeng paralisado ang tumayo mula sa kanyang wheelchair at lumakad matapos ipagdasal ng pari. Kuwento ni Father Faller, pati siya ay napaluha ng karanasang ito.

Malayo man ang nilakbay ng mga deboto para sa ilang segundo sa piling ng mga healing priest, sulit naman daw ito dahil ang pagkakaroon ng bagong pag-asa ay kasintamis na rin ng paggaling.

Sa kabila ng kanilang kasikatan, madalas na sinasabi ng mga pari na mula sa Diyos ang himala, hindi sa kanila. Naniniwala ang Simbahang Katoliko sa mga mirakulo pero maingat sila sa pagdedeklara ng mga ito. Sa kabila nito, may mga kontrobersiya pa ring lumulutang. Pero paano mo nga ba ipapaliwanag ang isang mirakulo? Paano mo patutunayan ang mga bagay na naka-angkla sa pananampalataya?

Ngayong Lunes sa I-Witness, kikilalanin ni Sandra Aguinaldo ang mga taong naghahatid ng pag-asa at himala, at ang mga taong nananalig sa kanilang pambihirang kakayahan.