Kris Aquino, mala-'First Lady' sa Bangsamoro peace deal signing
<
Nagmistula kasing "First Lady" si Kris nang samahan niya ang kapatid na si Pangulong Benigno Aquino III sa pagsalubong kay Malaysian Prime Minister Najib Abdul Razak at maybahay nitong si Datin Seri Rosmah Mansor.
Kabilang ang Punong Ministro ng Malaysia sa mga naging bisita at sumaksi sa paglagda para sa kasunduang pangkapayapaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang Malaysia ang nagsilbing tagapamagitan sa government peace panel at MILF sa pagbuo ng nasabing kasunduan na isusumite sa Kongreso para aprubahan.
Umani naman ng mga papuri ang mga larawan ni Kris na inilagay sa kaniyang Facebook at Instagram kaugnay nang dinaluhang makasaysayang okasyon sa Palasyo. -- FRJ, GMA News