Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Nadine Lustre reveals Yassi Pressman tasted her first heartbreak from Sef Cadayona

April 2, 2014 4:32pm


Dahil sa pelikulang Diary Ng Panget ay naging very close sina Nadine Lustre at Yassi Pressman, kaya nagkaalaman sila ng mga personal nilang problema.

As girl friends, naging open sila, lalo na si Yassi na nai-share kay Nadine ang kanyang first heartbreak mula sa ex-boyfriend na si Sef Cadayona.

Kuwento ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong una ay nagpapakiramdaman pa sila ni Yassi.

Bagamat magkakilala na sila, hindi naman daw sila super-close katulad ngayon.

“Before, akala ko po hindi ko magiging close si Yassi.

“Iba po kasi siya sa mga kaibigan kong girls. Akala ko po hindi ko siya masasakyan.

“Pero noong mag-workshop na nga kami and we started filming Diary Ng Panget, unti-unti ay naging close kami.

“Ngayon, panay po ang girl talk namin at parang may sarili kaming mundo.

“Humihiwalay kami kina Andre [Paras] at James [Reid] kapag may something serious or something for-the-girls lang ang usapan namin ni Yassi.

“It’s nice to have Yassi as a friend kasi she’s very candid and very open with her feelings.

“Bihira akong magkaroon ng friend na ‘tulad niya.”

Nakausap ng PEP si Nadine sa pocket presscon ng Diary Ng Panget: The Movie sa Viva Entertainment office noong March 27.
 
FAILED ROMANCE. Tungkol naman sa failed romance ni Yassi, hinintay raw ni Nadine na mag-open up tungkol dito ang kaibigan.

Hindi nga raw aware si Nadine na naging boyfriend pala ni Yassi si Sef Cadayona.

Nalaman lang daw niya ito noong unang press conference ng Diary Ng Panget.

Lahad ni Nadine, “Noong may nagtanong na po kay Yassi regarding kay Sef, doon ko lang nalaman na naging sila pala.

“Then, noong maging close na po kami ni Yassi, siya naman ang nag-open up tungkol sa unang heartbreak niya.”

Umiyak daw si Yassi sa kanya habang ikinukuwento nito ang masakit na pinagdaanan sa naging relasyon nila ni Sef.

Saad ni Nadine, “Nakaka-relate naman po ako kay Yassi kasi nagkaroon na rin po ako ng boyfriend when I was 16 years old.

“Pero very different ang situation namin ni Yassi.

“Noong magkahiwalay po kami ng boyfriend ko, hindi masyadong masakit kasi mga bata pa kami noon at wala pa yung sinasabi nilang emotional investment.

“Nagkahiwalay kami nang maayos and we are still good friends.

“Sa situation naman po ni Yassi, nagsimula kasi sila ni Sef as good friends, ‘tapos nagkaroon ng relasyon.

“Then, something went wrong sa kanila kaya pati ang friendship daw nila ay naapektuhan.”

Since mas matanda siya ng dalawang taon si Nadine, humingi raw ng advice si Yassi sa kanya bilang isang nakakatandang kapatid.

Lahad niya, “Sabi ko naman po kay Yassi na hindi ako expert sa pagbibigay ng love advice.

“I only had one relationship at bata pa ako noon.

“Si Yassi kasi, she’s only 18 at nakaranas agad siya ng pain sa unang relationship niya.

“I understand kung bakit siya masyadong naging emotional—bata pa nga po kasi siya.

“The only safe advice I gave her was to be strong and take baby steps.

“Huwag niyang madaliin ang lahat. She’s still young at marami pang puwedeng mangyari sa kanya.

“If she says that she has moved on, mas maganda po iyon.

“Noong shooting nga namin, okey siya at parati siyang masaya.

“Kapag may mga dramatic scenes naman siya, ramdam mo yung lungkot sa kanya.

“In a way, nakatulong din sa kanya yung experience niya sa first heartbreak niya.”
 
JADINE LOVETEAM. Pagdating naman sa lovelife ni Nadine, handa na raw siyang subukang magkaroon ulit ng boyfriend.

Ngunit dagdag din niya, “Mukhang hindi pa muna puwede dahil mas gusto kong mag-work out itong tandem namin ni James Reid.

“Natutuwa naman po kami ni James kasi may mga fans na kami sa social media.

“Meron po kaming fan page sa Facebook. At meron ding group na sumusuporta sa amin over Twitter, Instagram, and sa YouTube.

“Gusto po naming mag-work itong team namin and we pray na maging hit itong Diary Ng Panget.

“Make or break po para sa amin ni James ang movie na ito. And we are both working hard para sa promotion ng movie.

“We pray na lahat ng naging readers at fans ng teen novel na Diary Ng Panget will go and see the movie dahil sa pagbigay buhay namin sa inaabangan nilang mga characters na sina Eya at Cross.” -- Ruel J. Mendoza, PEP