ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ai-Ai delas Alas on Kris Aquino: 'She will be a friend to me hanggang sa wakas ng buhay ko'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa Huwebes, April 3, ang eksaktong ika-isang taong anibersaryo ng kasal ni Ai-Ai delas Alas sa ex-husband nitong si Jed Salang.
Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Las Vegas, Nevada.
Pero matapos ang halos isang buwan ay naghiwalay rin kaagad ang dalawa dahil sa isang matinding away.
January 2014, kinumpirma mismo ni Ai-Ai sa PEP na na-grant na ang divorce papers nila ni Jed.
Basahin: Ai-Ai delas Alas 'starting to heal' after split from husband Jed Salang
Ngayon bang malaya na siya, muli na kaya siyang nakikipag-date?
Natatawang sagot ni Ai-Ai, “As usual... Matagal na, magwa-one year na.
“Oo, ini-enjoy ko silang lahat, andami nila, yes.
"Kung sinu-sino lang, mga date-date lang.
"Pero ayoko ng commit-commit. Kasi, 'di ako makahinga.
"Parang may trauma akong di ko maintindihan, parang di ako makahinga kapag nagkakaroon na ng problema."
Ngunit matigas pa rin ang loob ng komedyana pagdating sa usaping pakikipag-ayos sa dating asawa.
Sabi niya, “Huwag muna, huwag muna.
"Dadating din yung time.
"Lahat naman ng sugat, naghihilom sa tamang panahon."
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai bago pa magsimula ang PEPsters' Choice Awards ng The PEP List 2013 noong Huwebes, March 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.
Si Ai-Ai ang tumayong host ng nasabing event.
ON “RIFT” WITH KRIS AQUINO. Matagal nang usap-usapang may sigalot na namamagitan kina Ai-Ai at Kris Aquino.
Basahin: Pagkakaibigan nina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, nasira na nga ba?
Nagsimula ito nang namatay ang biological mother ni Ai-Ai, kung saan hindi nakadalo sa burol si Kris dahil nasa London ito, kasama ang dalawang anak, para magbakasyon.
Mula noon, umiwas na si Ai-Ai na pag-usapan pa ang kaibigan.
Paliwanag niya sa PEP, “Pagdating kay Kris, ayoko na siyang pag-usapan.
“Hindi sa ayoko, ayoko lang kasi siyempre kapag ‘di naman kailangan pag-usapan.
"Kasi may sarili siyang buhay, may sarili akong buhay.
"Parang hindi ba kami mabubuhay na kailangan hindi kami pag-uusapang dalawa, ‘di ba?
"Hindi naman ako yung parang... hindi naman ako yung nagtataray na parang ayoko siyang pag-usapan, ayoko na lang.
"Ayoko ng marami pang salita. Ayoko ng ganun."
Ngunit may puwang pa naman daw sa puso nito ang tinaguriang Queen of All Media.
Sabi ni Ai-Ai, “Sinabi ko na Kris will still be Kris.
“Kris has still a special place in my heart.
"She will be a friend to me hanggang sa wakas ng buhay ko." -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: aiaidelasalas, krisaquino
More Videos
Most Popular