Aubrey Miles, nagkaaberya rin sa kasuotan nang rumampa sa FHM victory party
Hindi lang pala si Alice Dixson, kung hindi maging ang "hot momma" na si Aubrey Miles ay nakaranas din ng tinatawag na "wardrobe malfunction" o aberya sa kasuotan habang rumarampa sa FHM Victory Party nitong Miyerkules ng gabi.
SLIDESHOW: 2014 FHM Philippines Victory Party
Dalawang ulit rumampa ang dating castaway ng "Survivor Philippines" na si Aubrey sa victory party kung saan muli siyang napasama sa listahan ng 100 sexiest women ng naturang men's magazine.
Ang isang costume na isinuot ni Aubrey ay mala- Miley Cyrus kaya naman sa isang post ng larawan sa kaniyang Instargam ay napalitan ng "y" ang "s" sa kaniyang apelyido at naging "Aubrey Miley."
Ngunit sa unang pagrampa si Aubrey na suot ang bikini bottom, may mga nakapansin sa ginagawang pag-adjust nito sa string ng bikini na tila maluwag.
Basahin: Alice Dixson averts 'wardrobe malfunction' in FHM Victory Party
Pero gaya ni Alice Dixson na nagkaroon naman ng problema sa kaniyang pang-itaas na suot, hindi rin nagpaapekto si Aubrey at tinapos ang kaniyang pagrampa na walang inaalala.
Sa isang post ni Aubrey sa kaniyang Twitter account, tinawanan ng sexy actress ang nangyaring "wardrobe malfunction."
Another day of Wardrobe Malfunction hahaha http://t.co/VA0dm7tNPn
— aubrey miles (@realaubreymiles) July 11, 2014
Nang gabing ito, reynang-reyna naman ang dating ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na itinanghal na Sexiest Woman sa taunang poll ng FHM sa ikatlong pagkakataon. Una noong 2008, sumunod noong 2013. (Basahin: Marian Rivera, sizzling hot sa kaniyang red costume sa 2014 FHM Victory Party).Pasok din sa top 10 ng FHM sexiest women sina Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Alice Dixon, Ellen Adarna, Anne Curtis at Jinri Park. (Photos by Joe Galvez) -- FRJimenez, GMA News