ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

12 katao na kumain ng kabute mula sa kawayan sa Davao City, nalason


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang mag-anak at walo pa nilang kapitbahay sa Pequeño, Davao City ang nalason matapos kainin ang nakuha nilang kabute na tumubo sa ilalim ng kawayan.
 
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabi ni Larry Pandoy, padre de familia ng mag-anak na nalason, nakita niya ang mga kabute sa ilalim ng kawayang malapit sa kanilang bahay sa barangay Brgy. Catalunan.
 
Ang nakuhang mga kabute ay iniluto umano ng kanyang asawa para sa hapunan sa pag-aakalang ligtas akong kainin. Pagkaraan ng dalawang oras matapos kumain, isa-isa nang nahilo at nagsuka ang buong mag-anak ni Pandoy.

 
"Niluto nila pagkatapos kainin, hindi ko alam na nagsusuka na pala sila," ani Pandoy.
 
Bukod sa pamilya Pandoy, walo pa sa kanilang mga kapitbahay ang nalason din ng kinaing kabute. 
 
Pinayuhan ng City Health Office (CHO), sa pangunguna ni Dr. Josephine VIllafuerte, ang publiko na huwag basta-basta kainin ang mga kabute o halamang nakikita sa paligid, lalo na kung hindi sila pamilyar dito.
 
Kasalukuyang ginagamot pa rin sa ospital ang mga biktima. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News