ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dream. Believe. Survive: 'Starstruck,' magbabalik na sa GMA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibabalik na ng GMA Network ang original reality artista search sa Philippine television na Starstruck, kung saan nagsimula ang ilang sikat na artista ngayon tulad nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.
 
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing kabilang si Jennylyn sa pinaka-excited sa pagbabalik sa ere ng Starstruck, na ilan taon ding nagpahinga sa telebisyon.

"I'm sure may mga bagong pakulo, may mga bagong ihahain ang GMA. Excited din akong makita yung mga bagong nilang contestants," ayon kay Jennylyn na unang Lone Female Starstruck Survivor, at si Mark naman ang Male Sole Survivor.



Hindi raw makakalimutan ni Jennylyn ang araw na mag-audition siya para sa nabanggit na reality show.

"Naaalala ko sa GMA ako nag-audition tapos ano konti lang ang pila, hindi ganu'n karami. Siguro mga sampu lang kami sa pila, ganu'n lang kakonti," pagbabalik-tanaw ng aktres.

Ang tip ni Jennylyn sa mga gustong sumali sa Starstruck, "Lakas ng loob at saka gusto talaga nila yung ginagawa nila, hindi yung napipilitan lang sila na kumanta, sumayaw, umarte. Kailangan talaga mahal nila yung craft nila."

Ilan pa sa mga naging produkto ng Starstruck ay sina Megan Young, Katrina Halili, Cristine Reyes, Rainier Castillo, Ryza Cenon, LJ Reyes, Jackie Rice, Iwa Moto, Arci Muñoz, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Mart Escudero, Paulo Avelino, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, at Enzo Pineda.

Samantala, abala naman ngayon si Jennylyn sa shooting ng comedy filmfest movie nila ni Derek Ramsay, na English Only, Please.  Pero baka mahinto raw ang shooting nila ngayon dahil nasa ibang bansa si Derek. -- FRJ, GMA News