ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gaganap na 'awok': Andrea Torres at Maria Isabel Lopez, nagpapa-sexy sa bagong teleserye


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagwo-work out ngayon ang aktres na si Andrea Torres bilang bahagi ng paghahanda niya sa pagbibidahang afternoon prime series na “Ang Lihim ni Annasandra.”
 
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing gagampanan ni Andrea sa serye ang karakter ng isang 'awok,' kung saan kinakailangan niyang magpalit-anyo bilang isang baboy-ramo.
 
Bukod sa aktres, matutunghayan din sa teleserye si Cris Villonco na nagbabalik telebisyon matapos tutukan ang trabaho sa teatro.
 


Ayon kay Cris, kinakailangan niyang mag-adjust sa panibagong proyekto dahil nasanay na siya sa teatro.
 
“Medyo matagal na rin akong nawala. Hindi rin alam ng mga tao kung kaya kong maging kontrabida, kung makaka-deliver. So grateful talaga ako sa GMA that they gave me the chance na mailalabas ko kung ano man ang nailalabas ko sa teatro dito naman sa TV,” dagdag pa niya.
 
Kasama nina Andrea at Cris si Mikael Daez, na muling makakatambal ng bidang aktres, at dalawa pang beauty queen na sina Isabel Lopez at Joyce Burton. 
 
Gaganap rin si Maria Isabel Lopez bilang isang awok na makikipagsabayan sa pagpapa-sexy.
 
Aniya, “Yung role namin dito medyo physical, at saka parang medyo sexy kasi yung transformation from being human para maging baboy ramo, parang naka-skintone lang kami.”
 
Gaganap naman bilang ina ni Andrea si Glydel Mercado. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: andreatorres