ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gina Alajar, willing pa kayang makatrabaho o idirek si Carla Abellana?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Bilang isang direktor sa bakuran ng GMA Network, willing kayang idirek o makasama sa trabaho ni Gina Alajar ang Kapuso actress na si Carla Abellana?

Si Carla ay ang ex-girlfriend ng anak ni Gina na si Geoff Eigenmann.

“Sa akin, wala namang problema kung idirek ko siya.

"Magkakaroon siguro ng problema kung maiilang siyang idirek ko siya.

"Kung maiilang naman siyang idirek ko siya, huwag na lang kaming magdirekan!” natawang sabi ng actress-director sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa pagkakilala niya kay Carla, posible kayang mailang itong maidirek niya?

“Maybe it will take time,” sagot niya.

Pero natatawang dugtong ni Gina, “Teka, bakit ba siya ang tinatanong niyo sa akin? Hindi naman siya kasama sa Yagit.

"It is unfair to my stars to talk about stars na hindi naman kasama sa show."

Si Gina ang direktor ng bagong afternoon series ng GMA na Yagit, na nagkaroon ng press conference noong Martes, October 7.

GEOFF. Samantala, marami naman sa mga nakakasama ni Geoff ang nagsasabing gusto nila ang disposisyon nito ngayon.

Bilang ina at kasama rin ni Geoff da bahay, kinumpirma ito ni Gina,.

“He’s a better person.”

Pero nagulat ito nang malaman na halos lahat pala ay yun ang sinasabi tungkol kay Geoff.

Walang pag-aalinlangang sinagot ni Gina kung bakit mas maganda ang aura at hitsura ni Geoff ngayon, kumpara noong mga unang buwan pagkatapos nilang mag-break ni Carla.

Saad niya, “It’s okay, because I’m talking about my son, I’m going to talk about him.

"Geoff, for a time, we didn’t understand him.

"May mga interviews sa akin before, mataba si Geoff… 'Pabayaan na lang natin siya kasi sinasabihan naman.'

“I answered like that kasi there were times that you could not talk to him.

"O kaya, titiyempuhan mo ang mood dahil baka bad mood siya.

"So, kami, nag-uusap kami, 'Why is he like that?'

"Hindi naman siya ganun, but all of a sudden, naging ganun.

"'Did I do anything?' Minsan may ganun ka.

“So, kami namang lahat, kaming family, 'What’s the best thing we should do?'

"So, the best thing we could do was wait for him to talk.

"Kapag nasa mood naman ‘yan, kakausapin ka naman.

"Kapag wala, huwag na lang nating kausapin.

"Dumating sa ganoong punto.”

Puwede bang sabihin na pagkatapos ng breakup nito kay Carla ay naging mas okay si Geoff?

“He smiles a lot,” sambit ni Gina.

“I can talk to him and I can say that he listens.

"Siyempre, nandoon pa rin, hindi pa rin naaalis ang pagka-nanay ko.

"Tinatantiya ko, tinitimpla ko.

"Si Geoff, meron siyang minsan na, 'Don’t treat me like a kid.'

"Pero hindi naman, as a nanay, sinasabihan mo, 'Geoff, you might be overdoing it.'

"Siyempre, nanay ka, pero ang dating sa kanya, Grade 1.

“Pero ngayon, he listens.

"Siguro na rin, marami na rin siyang lessons na natutunan.

"Na-realize niya rin kung ano ang mga pagkakamali niya.

"Siguro, marami siyang mga realization na nangyari sa buhay niya.”

Nasasaktan din ba siya sa ilang komento na "bitter" pa rin si Geoff sa nangyari sa kanila ni Carla?

Pakli ni Gina, “E, siya yun, relasyon niya yun.

"It takes two to tango.”
 
ALJUR ABRENICA. Nakapagbitiw si Gina ng salita na hindi niya gustong makasama sa proyekto o maidirek si Aljur Abrenica dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kontrobersiyal na aktor noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nito at ng anak niyang si Geoff Eigenmann.

Ang balita pa, hindi lang si Gina kundi maging ang iba pang mga direktor ng Kapuso network ay ayaw na raw makatrabaho si Aljur dahil sa reklamong inihain nito laban sa network.

Ano ang naging reaksiyon ni Gina rito?

“Wala naman, wala naman akong naramdaman.

"Siguro, the first thing that came to my mind, 'Why did he have to do that to his network that built him up, believed in him?"

Kung sakaling magbalik-loob si Aljur sa GMA, pareho pa rin ang stand niya?

Sagot ni Gina, “Let’s just cross the bridge when we get there.

"Baka naman magbago na ang takbo ng hangin.” -- Rose Garcia, PEP

For the full story, visit PEP.
Tags: ginaalajar, yagit