ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Kristine, Oyo Boy welcome new baby boy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinanganak na ng aktres na si Kristine Hermosa ang ikatlong anak nila ng mister niyang si Oyo Sotto kahapon, October 11.
Nagsilang si Kristine ng isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Kaleb Hanns Sotto.
Ibinahagi ni Oyo ang magandang balitang ito sa kanyang Instagram account (osotto), kalakip ng unang larawan ni Kaleb Hanns.
Kasunod nito ang larawan ni Oyo kasama ang firstborn nilang si Ondria Bliss at ang adopted son nilang si Kristian Daniel (Kiel), na bumisita sa ospital kung saan nagsilang si Kristine.
— Erwin Santiago, PEP
For more showbiz stories, visit PEP.
Tags: kristinehermsa, oyoboysotto
More Videos
Most Popular