ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Higanteng isda na 'mola-mola,' natagpuang patay sa baybayin ng Surigao del Norte
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang higanteng isda na kung tawagin ay "mola-mola" o sunfish, ang nakitang patay sa dalampasigan ng Surigao del Norte.
Sa ulat ng GMA news Unang Balita nitong Huwebes, sinabing katandaan ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng higanteng isda.
Martes daw nang makita sa dalampasigan ang higanteng isda na wala nang buhay.
Tumitimbang ang isda ng 800 kilo.
Base sa post mortem examination na ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa isda, sinabing bukod sa katandaan ay posibleng climate change ang isa pang sanhi ng pagkamatay nito. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular