ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kilalanin ang mag-asawang sina Aubrey Miles at Troy Montero sa Powerhouse
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lumaki sa Amerika si Troy Montero samantalang sa Pilipinas naman si Aubrey Miles. Tahimik lang si Troy, kabaligtaran ng maingay at makuwentong personalidad ni Aubrey. Magkaiba man ang kanilang pinanggalingan at ugali, nagkasundo naman sila agad nang pinagtagpo ang kanilang mga puso. Ano ang sikreto ng kanilang mahigit na sampung taon na pagsasama? Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, bibisitahin ng award-winning journalist na si Kara David ang tahanan nina Troy at Aubrey.

Moderno ang tema ng kanilang tatlong palapag na bahay. Ramdam na ramdam na ang Pasko sa bawat sulok nito dahil sa mga dekorasyon na si Aubrey mismo ang nagdisenyo. Sa ikalawang palapag, matatagpuan ang walk-in closet ni Aubrey kung saan makikita rin ang koleksyon niya ng branded na bags. Kung si Aubrey ay may isang buong kuwarto ng kanyang damit at sapatos, si Troy naman ay may isang cabinet lang ng damit sa kanilang master's bedroom. Wala na nga raw mapaglagyan ang mga sapatos ni Troy dahil sa dami ng gamit ng asawa.

Pagdating naman sa bahay, hindi raw mahilig sa mamahalin ang dalawa pero may isang bagay na talaga namang pinagkakagastusan nila at ‘yan ang kanilang bedsheet. Gumagastos daw sila ng pitumpong libong piso hanggang isang daang libong piso para lang sa isang set ng bedsheet. Mas importante raw kasi sa kanila na komportable ang kanilang higaan kaya hindi naman sila nanghihinayang na gastusan ito.

Ibabahagi rin nina Aubrey at Troy ang kanilang buhay bilang magulang sa kanilang dalawang anak
na sina Maurie at Hunter. Maliban sa pagiging hands-on parents ay tutok din ang dalawa sa kani-kanilang negosyo. Si Troy ay nagmamay-ari ng isang post production house samantalang si Aubrey ay abala sa kanyang pawnshop.
Usapang bahay, pag-ibig, at negosyo ang dapat abangan ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA-7.
More Videos
Most Popular