ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinarusahan daw: Bigote ng isang estudyante, hinila ni titser


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasugatan ang itaas ng bibig ng isang estudyante sa Laoag city, Ilocos Norte dahil sa ginawa raw na puwersahang paghila ng kaniyang guro sa mahaba niyang bigote.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabi ng biktima na hinila ng guro ang kaniyang bigote dahil nagalit ito sa kaniya matapos siyang nakabasag ng bote.



Ipinaliwanag naman ng guro na gusto lang niyang disiplinahin ang estudyante kaya niya nagawa iyon.

Matapos na magkausap, nagkaayos naman ang magkabilang panig.

Hindi na magsasampa ng reklamo ang estudyante pero pumirma sila ng kasunduan na hindi na mauulit ang insidente. -- FRJ, GMA News